Chapter 19 ♪ Another UN's* ♪

100 5 2
                                    

Gotta finish this on April 2014 or May. =)) Hold your horses lol

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Another UN’s]

[Third Person's POV]

Naglalakad mag-isa si Megan sa gilid ng daan. Napaka rami niyang nakakasalubong pero parang wala siyang pakialam. Inabot na siya ng hapon pero mukhang wala pa rin siyang balak umuwi.

** It’s your hair and your eyes today **

Agad niyang kinuha ang cellpone galing sa bag. Ibabato na sana niya dahil kanina pa ito nagi-ingay pero napa-buntong hininga siya saka sinagot ang tawag na paulit-ulit simula pa kanina.

“Hello.” Hindi na niya kailangan tignan kung sino ang tumatawag. Isang tao lang naman ang may ringtone na Out of My League sa kanya, si Michael.

(Meg. Please. Let’s talk. Please. Where are you? Pupuntahan kita.)

“Nasa daanan. Don’t know where exactly.”

(Meg. Please naman.)

“Michael, this is not working out.” Diretso niyang sabi.

(N-No Meg. We still have a chance, right?) Naiyak na siya pero pinipigilan niyang humikbi. Ayaw niyang malaman ng boyfriend niya na naaapektuhan siya sa mga nangyayari.

“H-Hindi ko alam.”

(Meg, please.) Nabigla si Megan nang marinig na umiiyak ang boyfriend sa kabilang linya. Sa tatlong taon na relasyon nila, itong pangyayari na ‘to ang pinaka malala.

“Let’s...”

(Talk? Meet What? Sabihin mo lang. Gagawin ko.) She smiled bitterly. Magawa kaya ng nobyo yung nasa isip at sasabihin niya?

“Break up.” Masakit para sa kanya na sabihin yung mga salitang yun pero yun nalang ang naiisip niya para maging okay ang lahat kaysa magka-gulo pa.

(Meg! Nagbi-biro ka. Nasa bahay ka ba? Papunta na ako—)

*toot * toot*

“I love you and I’m sorry.” Nasambit nalang niya habang hawak ng mahigpit ang telepono.

Muli siyang naglakad hanggang sa napagod. Hindi niya na alam kung nasaan na ba talaga siya. Tanging dagat at ang tirik na araw na lang ang nasisiguro niyang nakikita niya.

What happened to them was very... very unwanted.

***

Sa kabilang banda, natataranta naman sa paghahanap ng tamang pagkain si Vince Renzo. Hindi naman kasi niya alam kung ano bang dapat niyang ibigay kay MJ.

Cake? Paano kung masakit pala yung lalamunan niya?

Spaghetti? Paano kung ayaw niya?

“Bahala na nga!” Naiinis na sabi niya sa sarili at binili nalang yung mga pagkain na naisipan niyang bilihin.

Ilang minuto makalipas, nakarating na din siya sa bahay ni MJ. Pinapasok naman siya ni manang.

Nakita niya na kalalabas lang ni MJ galing sa banyo. Matamlay itong naglakad, hindi ata siya napansin.

Pinagmasdan niya lang itong umakyat sa hagdan pero na-out of balance ang dalaga.

“MJ!” Sigaw ni Vince saka tumakbo para saluhin ang dalaga.

War of L'sWhere stories live. Discover now