~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Monkey and Turtle]
[Monica Jane's Point of View]
"Mmmm..." Naramdaman ko ang sinag ng araw sa mukha ko. Napamulat ako.
Ah! Dito na pala ako naka-tulog sa sofa. Hindi ko na nagawang umakyat kagabi sa sobrang pagod. Tsk. Paano nga ba ako naka-uwi? Ah, oo. Nag-taxi nga pala ako.
"Saan ka galing?" Napalingon ako. Si Megan! Shocks. Nakalimutan kong nandito nga pala siya sa bahay. Naka-cross arm pa siya ngayon at naka-taas ang kilay.
"Ah... eh. Good morning?" (^_^)"7
"Hoy Monica Jane! Alam ko yung mga ganyan mo ha. May kasalanan ka." ~__~
"Uy wala ah! Eh kasi late na ako nakauwi eh. May pinuntahan kasi ako. Tara na nga, mag-bake na tayo."
"Sige. Nako, pasalamat ka at tinatamad akong mag-sermon kaya hindi ko na tatanungin kung saan ka ba nag-punta kagabi. Halika na nga." Pumunta na kami sa kusina. Nakabili na pala siya kagabi ng mga gagamitin. Buti naman. Haha!
"Ako na gagawa nung icing!" Pag-presinta ko.
"Sige. Ay, sabi nga pala ni manager, punta daw tayo sa BMC bukas. Photoshoot."
"Wow! Sige." ^__^
Pumunta na ako sa may counter sa kitchen saka in-umpisahan yung paggawa ng icing. Si Megan, nandun sa may oven at inaayos yung pagka-lagay nung cake.
* I'f I'm a bad person, you don't like me
Well, I guess I'll make my own way
It's a circle, a mean cy--*
Kinuha ko agad yung cellphone ko at pinindot ang 'answer' saka ko tinignan kung sino yung tumawag... Mr Yabang?! O_O
"Hello? Anong problema mo? Hindi pa ba tapos ang pagpa-pahirap mo sa akin?"
(Wow, really. Good morning. Normal na talaga sayo ang pag-iingay ano?)
"TALAGA! Ano ba kasing problema mo at ginu-gulo mo ako? Haaay!"
(Max's restaurant sa Metro Mall. 3pm. SHARP. Ayoko ng nale-late ng four minutes.)
"Ano?! At bakit naman ako--"
*toot * toot*
"AAAH! Papansin na unggoy! Nakakainis!" >__<
"Oh, bakit ka naman inis na inis diyan? Baka pumutok ka na niyan." Tatawa-tawang sabi ni Megan.
"Eh kasi yung Vince Renzo na yun napaka yabang talaga! Akala mo kung sinong boss para papuntahin ako sa Max's! Pulbusin ko siya eh! Hay nako talaga. Palagi niya akong ini-inis." Tahimik lang si Megan kaya napa-tingin ako sa kanya. Aaaah! >o< Namumula na siya dahil... dahil...
"HAHAHAHAHA! Ang cute cute cute mo talaga, MJ. Kaya siguro gustong-gusto kang inisin nun dahil pikon ka at ang kulit mo pa. Hahaha. Pero malay mo, crush ka pala nun."
"Ay talag--ANO?! OHMYGOSH! Anong sinasabi mo, Meg?!" Inis na sabi ko.
"Eh, alam mo na. Baka gusto lang ng date."
"Date?! Eh kung ipakita ko kaya sa kanya si Death?! Susme naman, oo. Imposible yun. Gusto lang talaga ako nung inisin kasi gina-gantihan niya ako sa pag-agaw sa kanya ng taxi! Kasalanan ko bang late na ako nun? Psh."
Eh kasi, si Vince Renzo yung na-agawan ko nung taxi nung isang araw. Kaya nga siguro trip na trip niya ako eh.
"Hahaha. Ewan ko sayo. Pumunta ka nalang kung saan ka niya pinapa-punta. Malay mo naman, diba?"
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]