[Problem Solved]
Bagong araw na naman. Mali. Gabi na pala. Ewan ko ba kung bakit gabi ang pasok namin. Ang sabi, gabi daw kasi ang dating nung isang model na makakasama namin sa photoshoot. Saka rush din kasi 'to.
Nag-drive na ako papunta sa BMC. Nakakita ako ng ilang models na nagu-uwian na rin. Buti pa sila, uwian na. T^T
Nasa kalagitnaan na sila ng photoshoot ng ibang models nung dumating ako.
"Wala pa rin siya."
"Manager! Sino ba yun?" Tanong ko. Kanina pa kasi nag-aalala si manager Karen. Well, yung nag-request kasi na gabi ang photoshoot sa set namin, siya yung wala pa.
"S-Si Ryan." Ah! Siya pala. Ano naman kayang pinagkaka-abalahan niya?
"Oooh. Paano yan?"
"Ewan ko nga rin eh. Hindi siya suma-sagot sa text at tawag. Nakakainis naman. Anong oras na oh. Masyado na tayong gagabihin niyan eh." Nag-libot ako sa showroom. Ina-antok na yung iba. Si Megan nga, tulog na. May ilan namang kumakain.
Hindi naman namin 'to pwedeng ipagpaliban kasi meron kaming deadline para sa magazine na magfe-feature sa amin pati na rin sa damit na ine-endorse namin. Nakakainis kasi rush lang 'to.
Sometimes, this job really sucks. Too much pressure. Medyo ma-swerte yung mga freelancer. Hmm. Pero after daw nito, may rest kaming lahat. Syempre, work out mode yun. Pahirapan na naman sa pagpapa-payat.
"Manager! Where the hell is Ryan?!" Inis na tanong ng babaeng sana'y ka-partner ni Ryan ngayon. Hindi naman siya mapalitan dahil siya lang yung perfect guy para doon sa image.
Well, sa set ngayon, sila Ryan dapat yung una saka palang kami yung sunod. Kaya kawawa kami kung male-late pa lalo. Mas kawawa naman yung mga kasama sa next set. *Ehem* Kasama rin ako dun at si Megan. *Ehem* Huhu. T_T
Napa-nganga nalang ako sa pagod. Mas nakakapagod pala kapag nakaupo lang at walang ibang ginagawa. Nawawalan na nga ako ng pag-asa na dadating si Ryan eh.
"Laway mo, tumutulo na." Napa-balikwas ako at napahawak sa gilid ng labi ko...
Sinamaan ko ng tingin si Vince Renzo kahit na naglalakad na siya palayo. Wala naman kasing laway eh! >o< Sipain ko pagmu-mukha niya eh. Pasalamat siya at ako lang ang nakarinig nung bulong niya dahil kung may iba pa, tatawa sila at sasabog talaga ang mukha ni Vince Renzo sa galit ko.
Napatingin ulit ako sa kanya. Kasalukuyang na siyang nag-aayos nung camera. Teka. Matangkad, slim, gwapo, at messy yung buhok... Mukhang kapre. Joke! Hindi yun.
"Vince Renzo! Ikaw nalang kaya?" Nabaling yung atensyon niya sa akin. Pwede siyang pumalit kay Ryan!
"Ang alin?" Tanong niya. Tas nung na-realize niya na yung ibig kong sabihin, nag-salubong ang kilay niya. "Wag mo nga akong--"
"Oo nga! Pwede siya." Natutuwang sabi ni manager kaya naputol ang pagtanggi ni unggoy.
"Mehehehe." Pang-asar na tawa ko. Panigurado di na siya makakatanggi.
"Papayag ako kung si MJ partner ko." Nanlaki naman ang mata ko. Bukod sa request niya, hindi ko naman kakayanin na mag-suot ng dapat isuot nung kapartner niya. Ang sexy kaya nun!
"Sus! Crush mo lang ako eh!" Pag-asar ko ulit saka ko siya hinila para magpaliwanag.
Kasunod nun ang hiyawan ng ilan. Mga 'Yiiiieee' nila.
"Hindi ako pwedeng mag-suot ng ganung kaikling short." Bulong ko sa kanya pag-punta namin sa gilid. Seryoso ako habang sinasabi ko yun kaya siguro hindi na siya magpu-pumilit.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]