Chapter 18 ♪ Sick and Tired ♪

83 4 0
                                    

Short chapter :) Votes and comments! :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Sick and Tired]

Matapos kong i-kwento kay Megan yung nangyari sa amin ni VR nung araw na yun, simangot lang ang sinagot niya sa akin. Eh sa naiilang ako kay Vince Renzo eh! T^T

At nung nangyari naman sa kanila ni Michael yung cool off nila, hindi ko na muna siya pinabalik dun sa condo niya. Baka kasi mag-suicide eh! Joke. Basta. For safety purposes rin. At least dito, alam kong okay siya at di napapariwara.

More than two weeks na rin nung nangyari ang mga kaguluhan sa buhay namin...

At wala na rin akong naging balita sa iba. Kay Krisha, Joe, Sam, at sa iba pang sangkot sa kaguluhan. Pero wala man akong balita sa kanila, I'm hoping na okay sila. 

"Happy birthday, MJ! Happy birthday, MJ! Happy—"

"Magtigil ka. Bukas pa yun."

"Eh. Wala kasi ako bukas eh. Kaya kinakantahan na kita ngayon." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Wala ka bukas? May photoshoot ka?" Lately, hindi na nagkakasabay yung mga schedule namin. Maluwag kasi yung schedule ko ngayon. Hindi ko pa nga ulit nakikita si Vince Renzo eh. Pero sabi ni Megan, nakakasabay niya daw yun minsan. Buti nalang ako hindi.

"Ha? W-Wala. Pero kasi... Sabi ni Michael magkita daw kami eh. May... May sasabihin ata siya."

"Haruuuu! Ayun pala. So, ipagpa-palit mo ako sa kanya?"

"Hindi ah! Hindi naman sa ganun. Sige. Next week nalang—"

"Hep! Ikaw naman oh. Nagbibiro lang ako. Ayos lang sa akin. Hindi rin naman talaga ako nagce-celebrate eh. Alam mo naman yun. Saka napag-usapan na natin na magba-badminton nalang tayo diba?"

"Oo nga pala. Pero ngayon nalang tayo mag-badminton! Tapos uh, pa-deliver nalang tayo ng pagkain."

"Maganda yang naisip mo. Exercise tapos kain. Hahaha." Matagal tagal na rin akong hindi nakakapaglaro nun. Sa Japan pa yung huli kong laro nun eh.

"Si Manager pala! Diba sasama natin siya?"

"Busy yun eh." Sambit ko dahil kung maluwag ang schedule naman, siksik naman ang kanya na halos di na namin siya maka-usap. Kung di siya nag-aasikaso ng company, kasama naman niya yung pinsan niya.

Naglaro na kami ni Megan. Naka-ilang oras din kaming naglaro. Pakiramdam ko, nabugbog ako ng mga mamamayan. Nabigla ata.

"Uy! Asa baba na yung order natin. Tara na. Nag-handa na si manang." Sabi ni Meg pagpasok sa kwarto ko.

"Kayo nalang kumain. Inaantok na ako eh. Napagod ako."

-

[Megan's Point of View]

Maaga pa lang, nag-ayos na ako. Hindi masyado dahil baka sabihin pa ng Michael na yun, nagpa-ganda ako para sa kanya. Utot niya. ~_~ Natural na akong maganda.

"MJ, gising na." Sambit ko. Tanghali na kasi at kakain na kami ng lunch. Nakakapagtaka nga at tulog pa rin 'tong babaeng 'to. Maaga naman siyang natulog kagabi.

"Una ka na. Antok pa ako." Sabi niya na parang naalimpungatan lang. Bumalik ulit siya sa pag-tulog. Siguro napagod talaga siya kagabi.

War of L'sWhere stories live. Discover now