[Hand in Glove]
February 22, 2014--Saturday
"Manaaaaaang!" sigaw ko nung pagbuksan ko siya ng pinto ng dati kong bahay. Mahigpit ko siyang niyakap.
Kahapon, dito kami umuwi ni Vince Renzo at dito rin nagpalipas ng gabi. Mabuti nalang naitabi niya ang gamit ko na naiwan ko sa aksidente. Kawawa naman pala ang sasakyan ko huhu. Pero ayoko na munang mag-drive ulit.
Sinamantala ko rin na wala si Krisha kaya dinala ko na ang mga importanteng gamit ko dito. Gaya ng tsinelas na bigay sa akin ni VR. Hihi. Binalik na rin sa akin ni VR ang singsing na bigay niya sa akin noon na naiwan ko sa kotseng nadisgrasya. Suot ko na siya ngayon.
At yung yaya sa condo namin ni Krisha, alam niyang nakakaalala na ako. Kaya pala parang umiiyak siya last time dahil nalaman niya ang tungkol dun at naaawa siya sa akin. Now that my memory's back, she's willing to help me na makaalis kay Krisha.
"MJ! Namiss kita."
"Ako rin po! Dito na po ulit kayo?"
"Oo naman. Kamusta?" at nagkwentuhan muna kami hanggang sa abutin kami ng hapon.
"MJ, papunta na daw sila manager," pagputol ni VR sa usapan namin ni manang. Nagpaalam na muna ako at umalis na kami ng bahay.
Nakarating na kami ni Vince sa dating building ng BMC na ngayon ay isang abandonadong building nalang. Pati ang paligid nito, tahimik nalang din. Mabuti na rin yon para private pa rin.
Sabi sa akin ni Vince, malapit na daw si Megan pati si manager Karen. Sobrang kinakabahan ako. Ilang buwan din kaming hindi nagkita. Natatakot lang ako na baka sobra pa rin ang galit nila sa akin.
"Ayun na yata sila," sabi ni Vince kaya kulang nalang ay tumalon yung puso ko. Napatingin ako sa direksyong tinitignan niya at sa di kalayuan ay nakakita ako ng nakatigil na taxi habang bumababa ang pasaherong sakay nito.
"VR, halika," sambit ko. Hinila ko siya papunta sa gilid ng building habang palihim na nakasilip. "Si Mr. Bean, matino. Si Barney, lalaki. Si Dora, maganda," sabi ko sabay cross fingers habang nakapikit. Narinig ko ang tawa ni Vince pero hinayaan ko nalang. Sobrang kinakabahan na kasi talaga ako.
Nagulat ako ng bigla akong hilain ni Vince pabalik dun sa harap ng building at nakita kong nakatayo dun si Megan kasama si manager Karen. Shoot.
"U-uy Vince. S-sandali. Ayoko na. Wait. Natata—"
"Oh! Bat naghihilaan kayo dyan? Haha," sabi ng isang pamilyar na boses. Napatigil ako sa pagpupumiglas at tuluyan na akong nahila ni Vince palapit sa kanila.
"Ah... Mahiyain na kasi 'tong si MJ ngayon, Megan. Hahaha," sabi naman ni Vince Renzo at pinagtawanan lang nila ako.
"Vince Renzo!" Bulong ko habang nakayuko lang. Naiiyak ako at natatakot.
"Hay nako MJ. Di ka pa rin nagbabago. Pasaway ka pa rin! Haha," alam kong si manager ang nagsabi nun. Kinilabutan ako. Parang sa tono nila, hindi sila galit. Pero... hindi ko alam.
"Megan... Manager... Sorry."
"Wala kang dapat ipag-sorry. Wala namang may gusto sa nangyari. Halika nga dito." Hinila nila ako at niyakap. Dahil dun, di ko na napigilan ang luha ko.
"Kami pa nga ang dapat mag-sorry MJ eh. Hindi kami naging matapang para sabihin sayo yung totoo kasi natatakot kami na baka hindi ka maniwala at baka mapahamak ka. Pero hindi ka namin kinalimutan," litanya ni Megan. Nag-taka ako sa sinabi niya.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]