What could possibly happen next? :>
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Hindrance]
February 21, 2014--Friday
"Mahal kita, VR," sambit ko.
Ang saya saya ko na naalala ko na ang parteng nawala sa memorya ko. Ayoko nang makalimot ulit. Ayoko na.
“Mahal din kita. Mahal na mahal. Wag mo na akong iiwan ulit, please? Ikaw nalang ang meron ako.”
“Hindi na, Hinding hinding hindi na!“ confident na sabi ko habang humikhikbi pa.
Naputol ang masayang usapan namin nang biglang nag-ring yung phone ko.
*Made a wrong turn
Once or twice*
“Sa-sandali lang. *sniff* May tumatawag sa akin.” Bumitaw ako sa pagkayakap at kinuha yung phone ko sa bag ko.
“Hello? Good morning,” bati ko.
(Good morning, Perfect.) Napatingin ako kay Vince. Siguradong narinig niya yun dahil naka-loud speaker. Nakita ko naman siyang naka-poker face.
“Uh, who’s on the line?”
(The secretary.)
“O-oh. Madam. Why? Is there something wrong?”
(Nothing. I just want to inform you that I talked to Mam Ram. She told me that she doesn’t need your reply anymore. Her offer is final and it’s not optional. Whether you like it or not, you’re going to New York with her. That’s all. Goodbye.)
“Wai—“
*toot * toot*
“New York?” tanong ni Vince. Napakamot nalang ako sa ulo ko at kinuha sa bag ko yung invitation at iniabot sa kanya. “Hindi ka pupunta dito, diba?”
“VR... Kasi naisip ko, malaki yung matatanggap kong pera kung sakali. Two weeks lang naman siguro akong mawawala eh. After nung fashion event na yun, aalis na ako dun sa company tapos yung pera na makukuha ko, gagamitin ko pambawi kay best friend manager. Itataguyod ulit namin yung kompanya niya. Matatapos na rin naman na yung contract ko sa company,” paliwanag ko naman.
Kasi, sa ilang buwan ko na trabaho dun--which is four months--malaki na rin ang naipon ko. Sarili ko lang naman ang binubuhay ko kaya wala akong problema sa pera. Hindi rin naman ako maluho at siguro dahil doon yun. Dahil may mahala akong paggagamitan ng pera ko.
“Iiwan mo ulit ako?” parang bata na tanong niya. Sa hinaba-haba ng eksplanasyon ko, ayun lang ang lumabas sa bibig niya.
“Babalik naman ako. Kahit ilang beses pa kitang iwan, babalik at babalik pa rin ako sayo.”
Bumuntung hininga muna siya. “Hindi na kita mapipigilan. Naniniwala ako sayo. Alam kong babalikan mo ako…” Napangiti ako at niyakap siya.
“Thank yoooou. Hay nako. Nakakainis kasi hindi tayo makakapag-bonding ng matagal dahil sa 24 na yung alis namin. Sobrang namiss ko yung kabaliwan nating dalawa. Hindi ko nga akalain na kaya pala nating maging matino eh. Nakakatino pala ang heart break at memory loss.”
Umupo na ulit ako ng maayos. Gusto ko sanang pumunta magbakasyon kami sa malayo pero tatlong araw nalang ang meron bago ang biyahe ko papuntang New York.
YOU ARE READING
War of L's
रोमांसA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]