Chapter 24 ♪ Bliss* ♪

109 4 4
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Bliss]

July 08, 2013

Matapos yung 3rd monthsary namin ni Vince Renzo, nabaliw na siya at pinadala ko na siya sa mental hospital dahil hindi ko na kinaya ang pagpapahirap niya. Joke! Pero ewan ko ba sa taong yun. Sa tingin ko ay nakalunok siya ng isang kilong asukal.

"MJ," tawag nito sa akin at paglingon ko, naka-halikan ko ang isang bulaklak.

"Ano ba yan VR! Sira ulo ka talaga," sambit ko saka kinuha yung bulaklak. Tinawanan niya ako.

"Malay ko bang ganun ka kabilis haharap. Sorry," tatawa-tawang sabi niya saka ako inakbayan.

"Wala yun. Thank you dito."

Kakatapos lang ng photoshoot namin. Dapat nga, hindi pa pwedeng umuwi si Vince Renzo pero dahil daw 4th month namin ngayon, pinayagan siya ni best friend manager  na mag-half day. Nasabi ko na bang maganda na ang takbo ng kompanya?

Tinutulungan na kasi si manager ng pinsan niya. Dumating yun nung February tapos umalis ulit at bumalik nung June para tulungan si manager. Kaya mas napadali ang trabaho niya. Tapos, may kakilala iyon sa New York na siyang tumutulong din. Kung may nangyaring merging, hindi ko alam. Wala pa naman akong nababalitaan.

"Best friend, una na kami," masigla kong sabi.

"Ay sige. Ingat kayo ah! Happy 4th monthsary!" Sigaw pa nito. Nakigaya din tuloy yung iba at nag-yie pa sila. Nagpasalamat nalang kaming pareho at lumabas na.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dahil wala na naman akong ideya sa plano niya. Basta daw lalabas kami.

"Dito," turo niya nung nasa mismong labas na kami ng building. "Sabi ko diba lalabas tayo? Ito na. Nasa labas na tayo," nakangiting sabi pa niya. Natawa ako saka ko siya binatukan.

"Kahit kailan ka talaga! O sige, dito tayo mag-celebrate." Tinawanan lang namin ang isa't isa saka niya ako hinila papunta sa kotse niya.

Dinala niya ako sa isang restaurant na hindi sa Max's. Tinawanan niya pa ako nung pinuna ko yun. Maganda yung lugar. Malaki at tahimik in a way na calm yung mga tao. Pero sa harap, may band na sosyal pa ang dating at maganda yung mga tinutugtog. Pagpasok namin, tinutugtog nila yung Marry Me ng Train pero mas soothing yung pagkakatugtog.

"Marry me. Today and everyday," pagkanta ni Vince Renzo tapos hinalikan ako sa pisngi saka siya tumawa. Sabi ko na talaga eh. Nakalunok nga kasi siya ng asukal. Ako naman 'to, si miss kilig. Itatanggi ko pa ba? Ang saya saya kaya sa pakiramdam.

Pagdating namin sa venue na talagang pina-reserve niya pala, pinaghila niya pa ako ng upuan. "Thank you," ang tanging nasabi ko.

Nag-iba na yung tinutugtog nung band. Just the way you are naman ni Bruno Mars. Pero gaya ng sa Marry Me, mas soothing. Mabagal at parang mas emotional. Bigla kong naalala yung sinabi ni VR dati na gusto niya daw na marinig akong kumanta ng Paramore. Naisip ko kung pwede akong kumanta ngayon. Alam kong pagti-tinginan ako pero medyo maayos naman ang boses ko at syempre, para kay Vince Renzo.

Kumain kami at nag-usap. Matapos yun, sinabi kong magc-cr ako.

"Na naman?" Tanong niya dahil nagpaalam din akong magc-cr kanina. Pero sa totoo, ni hindi pa nga ako pumunta ng cr. Palusot ko lang yun para magpaalam kanina sa manager ng restaurant kung pwede akong kumanta. Luckily, pwede.

War of L'sWhere stories live. Discover now