~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[So I now forget]
I really don’t know if this is a good news or it is totally a bad news but Vince Renzo has been ignoring me for already one week.
And it saddens the hell out of me. But I asked for it, right? Am I getting the consequence of my own request? Sighs. At bakit nga ba ako nage-english? Bwiset na 'to. -o-
“Hi MJ!”
“Hi… Krisha.” Alangan kong bati sa kanya. Makita ko palang siya, naiinis na ako. At ang mas nakakainis? Hindi ko alam kung bakit ba ako naiinis.
“You seemed to be spacing out these past few days. You really have a problem, I guess?”
“Well, yeah. But everything’s under my control and it’s getting better.” Pagsi-sinungaling ko. Gusto niya ng english-an? Pagbibigyan ko siya.
“Really? Good to know. You know what, MJ? I have a problem, too. Can I share it to you?” Tumango ako. Para naman kasing may choice ako diba? “Uh, I just noticed that Vince has been quiet for the past few days. You are close friends, right? So, what do you think is wrong with him?”
“I really… don’t have any idea. We haven’t talk for a while. I'm sorry but I have to go.” Tumayo na ako at umalis sa lobby bago pa ako may masabi.
Anong tingin niya sa akin, customer service na lalapitan kapag may maling nakita sa binili niya? Though hindi naman niya binili si Vince Renzo. Palabas na sana ako pero naharang ako ni manager at Megan.
“Malungkot ka talaga.”
“Huh?”
“Kinausap mo si Krisha at yung tono mo kanina, alam kong ginagamit mo lang yun kapag galit o malungkot ka.” And Megan uses this tone when she's badly searching for an answer... But I cannot give her what she wants.
“I don’t know what you're talking about.” Sagot ko lang at nilagpasan na sila. Lumabas na ako ng building at sumakay sa kotse ko. 7pm na rin. Bukas na naman siguro yung bar malapit dito?
Gusto ko lang mag-unwind. Lagi kasi akong pagod. Ang alam nila Megan at manager, may problema sa bahay kaya ako ganito. Minsan tina-tanong nila ako pero yung sagot ko, kagaya lang din ng sagot ko kay Krisha. Under control and getting better but they know me too well para maniwala sa peke kong sagot.
Pumunta na ako sa bar at dumiretso ng counter saka um-order ng maiinom. I was about to drink my second glass of Martini when I saw someone very much familiar.
“MJ! Hello. It's nice to see you here.”
“H-Hi. It's nice to see you too. What’s your name again?” I saw her before, same place. Pero nakalimutan ko talaga yung pangalan niya. Ka-trabaho siya ni Vince Renzo.
“Samantha! Sam for short. Well, how are you? Are you meeting someone here?”
“No. I'm alone.” Sagot ko naman agad.
“Great! I’ll introduce you to my friends.” With that, hinila na niya ako at pumunta sa table na maraming tao. I counted 7. Two girls and five boys. Idagdag pa si Sam at ako, apat na yung girls. Tinanong nila kung sino ako at ipinakilala naman ako ni Sam.
“This is Blah blah, my best friend Joe and lastly, Michael. My boyfriend.” Hindi na ako nakapag-pay ng attention dahil nahihilo na ako. Ang ingay kasi at ang likot pa nila. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako sanay sa mga ganito.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]