~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Witnesses]
Eksaktong dalawang buwan na ang relasyon namin ni Vince Renzo. At eksaktong dalawang buwan nang hiwalay si Michael at Megan.
Pero kahit na dalawang buwan na silang hiwalay, alam namin ni Vince Renzo na mahal pa rin nila ang isa’t isa.
Tinupad ni Michael yung sinabi niyang space. Dalawang buwan siyang hindi nagpa-paramdam kay Megan pero kina-kamusta niya pa rin ito sa pamamagitan namin.
Medyo naaayon sa aming lahat ang tadhana. Maganda ang relasyon namin ni Vince Renzo. Maganda ang takbo ng company. Nagre-ready nga kami sa magaganap na fashion event kahit na matagal pa naman yun. Nabalitaan din namin na okay na daw si Samantha. Nag-out of town sila ni Joe kasama ang iba pa nilang kaibigan. Babalik na ata sila this week.
At isa pang maganda, ang hindi pagsuko ni Michael. Alam kong magka-kaayos sila ngayon. Ganda ko kasi. Hehe.
“Nako, Michael. Magugustuhan ‘to ni Megan.” Natutuwang sabi ko.
“Sana nga. Sana um-oo siya.” Sambit nito na sandaling napatigil sa pag-aayos ng table napkin na hugis puso. Sa lahat ng table napkins na nandito, tanging yung nasa table nila ang may pula at hugis puso na table napkin na si Michael mismo ang nag-ayos.
“Siguro naman pare o-oo yun. Alam naman nating lahat na mahal ka pa niya eh.” Nag-bro fist naman sila ni Vince Renzo.
Nakita ko ang kinang ng pag-asa sa mata ni Michael. Sana magustuhan ni Megan ang sopresa sa kanya ni Michael. Humiwalay muna kami sa busy na si Michael.
“Kinakabahan ako, VR.” Sabi ko habang nakasabit ang braso ko sa braso niya na hindi ko naman madalas gawin.
“Nyek. Palit nalang kayo ni Michael, gusto mo?”
“Che! Di naman sa ganun. Basta.” Naka-pout na sabi ko.
Tinawanan niya ako. "Binibiro lang kita.” Sambi niya at kiniss ako sa pisngi.
EEEEEEEH! >//////<
***
Mayamaya, dumating na rin si Megan. Hindi ko nga lang makita ang reaksyon niya dahil naka-patay ngayon ang mga ilaw.
“Hello? May tao ba dito? Anong klaseng trip ‘to?” Sa sinabi niya, nagbukas na ang mga ilaw. Nasa harap niya si Michael na siyang ikinagulat niya.
“Michael...” Nakita ko yun! Ngumiti siya. Promise nakita ko talaga yun. Siguro hindi nakita ni Michael kasi naka-yuko siya.
“Hindi na ako magpa-paligoy ligoy pa. Megan Factor, will you marry me?” Nakita naming lahat ang pagka-gulat niya. Mayamaya, tumulo na rin ang luha niya.
KYAAAAAAAAAH! Tears of joy! Halos makurot ko na nga si Vince Renzo dahil sa sobrang kilig eh.
“Michael...” Sambit niya ulit saka nag-takip ng mukha.
Eeeeeeeh! Kinikilig na yan. Di ko na maitago ang ngiti at kilig ko.
Naghintay si Michael ng sagot ni Megan. Naka-ngiti ito pero mahahalatang kinakabahan siya. Si Megan naman, nilibot ang tingin sa paligid niya. At nagulat ako nung nagkatinginan kami. Iba yung sinasabi ng mga mata niya. Kinabahan ako lalo.
“I... I can’t.” Yumuko si Megan. T-Teka... Mali yung narinig ko diba? Can’t?! Ibig sabihin hindi kaya? Ibig sabihin hindi niya papakasalan si Michael?!
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]