Chapter 31 ♪ The Reminders* ♪

68 4 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[The Reminders]

Kinakabahan ako habang naglalakad ng dahan-dahan papunta sa dressing room ni Vince. Kaya mo yan, MJ. Mga eight na hakbang nalang... Ayan na konti nalang... Aish! Wag na nga lang.

"Miss Perfect."

"Ay palaka!" sigaw ko dahil sa gulat. Agad akong napatakip ng bibig.

Engot ka talaga, MJ! Talaga bang ipapahiya mo ang sarili mo? Tinawag pa man din niya akong Miss Perfect.

Unti-unti akong humarap doon sa taong nasa likod ko. Napahinga ako ng malalim ng makita si Vince. Phew! Buti nalang siya ang nakakita sa akin.

"Bakit ka nandito? Gusto mo ba akong makita?" inosenste niyang tanong. Walang bahid ng kayabangan kaya parang nahiya ako.

On second thought, hindi rin pala mabuting siya ang nakakita sa akin at parang hindi rin pala mabuti na hindi siya masungit.

"H-Ha? Wala. Hindi kita gustong makita no! Kasi uhm... Hinahanap ko lang si Krisha," depensa ko naman.

Ngumiti siya. "Hinahanap mo siya dito? Sa may tapat ng dressing room ko?" tanong niya at nag-smirk.

Ayan na ngaaaa! Bumalik na ang mayabang na katauhan niya. Pero hindi ko alam kung mahihiya ba ako o ano. Isa lang ang alam ko. Namumula ako ngayon! Aaaah!

"K-Kasi ano..."

"Ano yun, Miss Perfect?" tanong niya ng painosente.

"Hay kainis. Pwede bang samahan mo akong mag-lunch?" pag-amin ko. As usual, wala na naman si Krisha. Nasanay na tuloy akong mag-isa. Kahit sa condo, yung kasambahay lang ang kasama ko madalas dahil hindi umuuwi si Krisha.

Pero fine, inaamin ko na hindi lang sa dahil wala si Krisha kaya ako nagpapasama kay Vince. Ewan. Uhm, siguro gusto ko siyang kasama? Pero bakit? Sa sobrang sungit niya talaga bang posibleng gusto ko siyang kasama?!

"Sige!" masigla niyang sabi.

"Talaga? Wala ka bang gagawin?"

"Para sayo, wala na. Tara na," sambit niya at hinila na ako. Kung saan-saan pa kami dumaan. Imbis na sa usual. Ewan ko ba sa kanya. Parang may tinataguan na ewan.

Sa muling pagkakataon, sa medyo malayong restaurant kami pumunta na medyo konti ang tao. Katabi non ay seaside. Pero this time, pareho kami naka-disguise. Naka-cap siya at nakasalamin. Ako naman, nagsuot ng shades at beanie. At nakasuot lang ako ng tsinelas ngayon. Parang gagala lang talaga.

Matapos naming kumain, naglakad muna kami sa may seaside. Kahit tanghali, hindi mataas ang sikat ng araw at napakahangin pa.

"Nakapunta ka na ba ng Subic?" bigla niyang tanong.

"Ha? Parang hindi pa ata. Kasi noon palang busy na ako sa pagmo-model. At matagal din ako sa Japan. Pero nagka-am--wala, wala. Siguro hindi pa ako nakakapunta," sagot ko. Ayokong sabihin sa kanya na nagka-amnesia ako. Baka pagtawanan niya lang ako.

"Ah. Maganda dun sa Subic. Maraming kainan, maraming mabibili, maraming pwedeng puntahan. Diba?" sabi niya at tumingin sa akin. Huh? Bakit niya sa akin tinatanong eh hindi pa nga ako nakakapunta doon?

"E-Ewan ko. Hindi pa nga ata ako nakakapunta eh," sagot ko nalang.

Parang bigla siyang nairita pero ilang minuto makalipas, bumalik na siya sa normal at nagpasya kaming maupo muna sa may tabing dagat.

War of L'sWhere stories live. Discover now