~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Reality Check]
Past 8pm, nag-pasya na rin kaming umuwi ni Joe. Ayoko pa nga eh. Nakakatuwa kasi talaga siyang kasama. Pero gabi na rin kasi.
“Hatid na kita.” Alok niya.
“Hindi na.” Habang papunta sa parking lot, nagta-talo kami tungkol dito.
“Please? Sa labas lang ng village?”
“O-Okay. Doon lang ah. Gagabihin ka na masyado.” Tumango-tango naman siya. Ayun nga. Hinatid niya ako. Sumunod naman siya sa usapan at sa gate ng village lang ako hinatid. Malapit lang naman kasi.
Naglakad ako papunta sa bahay. Papasok na sana ako sa gate namin…
“Umuwi ka mag-isa? May kotse ka, hindi mo dinala? Paano kung napahamak ka? Kung anu-ano na naman mangyayari sayo?”
Seryoso. Nabato talaga ako sa kinatatayuan ko. T^T
Anong ginagawa niya dito? Eeeeeeeeeeeeh! Akala mo multo na biglang susulpot. Parang gusto ko nang itaas yung dalawang kamay ko at sabihing, 'Hindi po ako ang may sala.'
“Hindi mo ba sasagutin yung mga tanong ko?” Tanong niya ulit nung nanatili akong tahimik.
“M-Manager.” Unti-unti akong humarap sa kanya. Nakataas yung kilay niya. Minsan lang siya ganito. (Akala niyo si Vince? :p)
“Ano ba kasing problema mo?”
“Pasok tayo manager. Doon nalang tayo mag-usap.” Pumasok naman kami ng tahimik. Swear, nakakatakot.
“Uy MJ! Buti nakauwi ka na. Manager? Nandito ka rin pala. Kamusta naman ang date, MJ?” Napa-ngiti ako ng malapad bigla at tumakbo palapit kay Megan. Tila nakalimutan ang takot kay manager.
“Masaya. Grabe. Nakakatuwa si Joe. Ang kulit kulit at ang daming kwento. No wonder kung bakit nagka-sundo kami agad. Hahaha. Parang best friends nga kami agad eh. Pero may best friend na yun eh. Saka syempre, hindi ko kayo ipagpa-palit ni manager!” Saka tumingin ako kay manager.
Nagka-tinginan naman sila. Bakit?
“Umupo nga muna tayo.” Alok ni manager kaya umupo kami sa may sofa.
“Bakit?” Tanong ko sa kanila.
“MJ, parang naalis ni Joe yung kalungkutan mo. Nagta-tagalog ka na ulit at ngumi-ngiti na. Balik ka na rin sa dati mong tono ng pananalita.” Paliwanag ni Megan.
“Eh sabi ko naman sa inyo okay lang ako eh! Haha. Kayo lang eh. Masyado kayong nag-aalala.” Sabi ko sa kanila ng naka-ngiti.
*If I’m a bad person you don’t like me
Well, I guess I’ll make my own way
It’s a circle, a mean cycle
I can’t excite you— *
Pinindot ko na ang ‘answer’ kahit na unregistered number. Sino kaya ‘to?
“Hello?”
(Hi MJ! Nakauwi na ako. Ikaw?) Napa-ngiti na naman ako sa boses na narinig ko.
“Joe, ikaw pala! Oo naman. Sabi ko sayo malapit lang eh.”
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]