Chapter 03 ♪ Unlucky ♪

218 7 4
                                    

 A/N:Point of view po ni MJ girl ang gina-gamit ko ah. Baka malito kayo. :) Sa chapter 1 lang yung sa guy kasi nga overview lang. Story naman din talaga ito ni Vince kasi nandito naman talaga siya pero yun nga lang, hindi niya POV.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Unlucky]

Pumasok si MJ sa dressing room pero nanlaki ang mata niya at halos mangiyak-ngiyak na siya dahil sa nangyari. Ano nga bang nangyari?

"ARAAAAY!" Nadulas ako. Ang sakit.

Bakit ba kasi may basa dito? Buti na lalng di nabali buto ko.

At... Bakit ang malas ko ata ngayon? 

"Pfft. HAHAHAHA. Para kang gusgusin. Haha. Tayo na dyan girl!" Sabay abot ng kamay niya. Inabot ko naman. Syempre. Hirap akong tumayo. Wala ng paki-pakipot! Di uso sa amin yun.

Pinagpag ko ang pwet ko. Medyo basa tuloy. ASAR! Hmp!

"Hay nako naman. Di mo man lang pinunasan yung basa. Ikaw talaga! Nasaan ba si Bestfriend manager?" Sermon ko sa kanya.

"Aba malay ko bang may basa jan. Si manager nandun sa may garden! Kanina ka pa hinihintay. Bakit ka ba late MJ? Past 10AM na oh." Turo sa clock. Oo nga. Lagpas na. Siya nga bihis na. 

"Eh late ako nagising. Tapos wala akong car ngayon. Tapos may nakasalubong pa akong mayabang! Letse! At may isa pa, babae naman na ewan. Basta! Mas lalo tuloy akong na-late."

"Haha. Kaloka ka girl. Sino naman kaya yung mayabang na yun? Pati yung babae, btch ba?" 

"Aba malay ko! Stranger lang yun! Hindi naman btch. Nag-sorry naman pero nakaka-stress pa rin kasi na-late ako."

"Haha. Osha, wag na ma-stress at puntahan mo na si manager. Mukhang mainit ang ulo nun eh. Pareho kayo. May problem ata. Pupunta na din ako sa showroom." I nodded at bumaba na para pumuntang garden.

Nasa 2nd floor kasi ang dressing rooms... Eh malamang ang garden nasa ground -___-

Pagdating ko sa garden, nakita ko agad si Bestfriend na nakaupo sa may swing. Ang galing nga eh. May swing dito!

"Morning bestfriend!" masiglang bati ko sa kanya. Para naman mabawasan naman ang pagka mainit ng ulo niya.

"Monica Jane Larena. Wag mo kong ma-bestfriend bestfriend dyan. Bakit ka late aber?" Sh*t! Galit na yan. huhu

"Ah...eh ano kasi manager eh. Ahmm... Late na kasi ako nagising. Ahehe." Paliwanag ko saka napa-kamot ng ulo.

"Psh. Tara na. Doon na tayo sa dressing room. Pasalamat ka at pina-adjust ko ang time ng photoshoot mo..."

"Haha. Nakooo. Kinilig naman ako bestfriend manager. Haha. Labyu na talaga." Sabay yakap sa kanya.

"Loka ka talaga MJ. Tara na nga!" Naglakad na kami papunta sa dressing room...

Oh! Akala niyo ba kanina late ako sa school? Haha. May trabaho na kaya ako. 21 years old na kasi ako. Malapit nang mag-twenty two. At para sabihin ko sa inyo, I'm a very gorgeous model. Hahaha. Mahangin ba? Hindi naman! Honest lang. :p Medyo isip bata nga lang.

I took my college in Japan and worked there as a fashion model. Habang college ako dun, model na din ako. Yung may ari ng  modelling company doon sa Japan ay friend din kasi ni daddy. So madali lang asikasuhin.

Pero I decided na dito na ulit ako sa Pilipinas nang mag-graduate at mag-21 ako nung March 2012. Saka ayaw na rin kasi ng mommy ko na magkaroon ng connection kay daddy kaya ayun. At isa pa, miss ko na kasi si Best friend.

War of L'sWhere stories live. Discover now