Spiloer Alert: There's a revelation down there... Woot. :) Read carefully. Lalo na yung Author's note.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Not Even Good]
Maaga akong gumising. Medyo himala na yun para sa akin. Haha. Naunahan ko pa nga ang alarm.
Excited kasi ako. ^__^ Kasi alam kong wala ng magiging problema si manager sa photographer. Yipieeee!
"Megan! Megan gising na! Dalian mo. 7am daw tayo ngayon. Go for the gold!" ^o^ Sigaw ko habang ginigising ang katabi ko na si Megan. Epektibo naman ang pag-iingay ko.
In-angat niya ang katawan niya at kinuha ang cellphone sa bedside table na nasa kanan niya. Hindi ko makita kung anong tinitignan niya dun. Nakatalikod kasi siya sa akin.
"Anak ng kalabaw! Monica Jane, alas-kwatro palang ng madaling araw! Lutang ka ba? Ang aga aga pa kaya. Yaaaaawn." Nag-takip na siya ng mukha gamit ang unan. Anong maaga dun?! 7am nga yung pasok namin eh. Psh.
"Hay nako. Antukin! Sige, ako na muna ang maliligo at kapag tapos na ko, saka nalang ulit kita gigisingin. Maliwanag?" Hindi siya sumagot kaya napa-kamot nalang ako sa ulo. Antukin talaga.
Naligo na ako at nung ginising ko na siya, sumunod naman na siya. Kumain kami tapos umalis ng bahay 30 minutes before seven.
"Manageeeeer!" ^__^
"Hoy Monica Jane! Bente uno anyos ka na ganyan pa rin ang kilos mo. Magbe-bente dos ka na nga parang dose ka lang. Anong nahithit mo?" Sermon niya sa akin.
(__.__")
"Ang sama naman ni best friend. Bata pa rin naman yung twenty ah. Psh. Manager kasi, may good news ako eh."
"Ano yun?" Tanong ni Megan. Naka-tingin na rin sa amin yung ibang models na nakakarinig ng usapan.
"Kasi, mapapalitan na yung aalis na photographer. May nakausap na ako. Though, hindi ko pa siya naka-usap regarding his salary, I'm sure na matino naman yun. Kayo na bahala mag-usap. Basta ang importante, wala na tayong problema!" \(^o^)/
"Kyaaah! Nabawasan ako ng pangamba."
"Buti naman okay na."
"Nice MJ! Ang galing galing."
"Thank you, girl!"
Sari-saring komento nila. Nginitian ko nalang sila. Napadapo ang tingin ko kay manager. Bakit tulala lang siya? Hindi ba siya masaya?
"Manager, hindi ka ba masaya?! Omg! Bawas problema na kaya 'to!" Masayang saad ni Megan na para bang nabasa ang nasa isip ko. Ilang segundo makalipas...
"KYAAAH! OMG! As in--O.M.G! Hahaha. Buti nalang naayos kaagad." ^___^
"Oo nga." Sabay sabay naming sabi.
"Oh yeah. I'm so high!" Sigaw ni manager at nagsa-sayaw.
/(^o^)/
\(^_^)\
/(^o^)/
\(^_^)\
Nag-tawanan nalang kami. Psh. Ano ba naman kasi yung steps ni manager? Kamay at bibig lang ang gumagalaw. Sino ngayon ang isip bata at naka-hithit ng kung ano?
Nag-punta na kami sa showroom. Kasalukuyan kaming naka-upo ni Megan at naghi-hintay ng turn namin.
"Ah, MJ. Sino nga pala yung bagong photographer?" Tanong niya.
"Si Mr. Yabang--este Vince Renzo. Pwede nga rin yun mag-model kasi matangkad at gwapo naman pero ewan ko lang kung payag siya."
"Ayieee! Ayun oh. Plus ganda points ka sa kanya. Kunwari pang aso't pusa tapos... Hay. Buhay nga naman oh. Hihihi." Pang-aalaska ni Megan.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]