Chuporybeer/Maria Bella's note: Thank you sa mga patuloy na nagbabasa. Kahit di ko kayo kilala personally, I swear, you people keep me going. I love you all!
Votes and comments. =))
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Flash News]
Tawa ng tawa si Megan ng walang dahilan. Parang baliw. Swear. Kakatapos ko lang i-kwento sa kanya kung anong nangyari sa 'blind date' ko nung last Saturday. Ngayon lang ulit kami nagkita kasi kanya-kanya kaming work out sa three days naming bakasyon.
"Ano bang problema mong tao ka?" Mataray kong tanong.
"Ako ba yung may problema o ikaw? Sino nga ulit ka-date mo?"
"Si Ryan. Yung mokong na yun. Sa akin pa naglabas ng sama ng loob tungkol kay manager Karen." Mataray kong sagot.
"See! Hahaha. Panibagong responsibilidad. Syempre kailangan mo siyang tulungan para maka-amin."
"Ano?! Neknek niya. Bakit ko siya tutulungan? Kung alam ko lang na siya pala yung ka-blind date ko, hindi na ako pupunta eh. At ikaw bruhilda ka, alam mo palang si Ryan yun di mo man lang sinabi, hindi na sana ako nag-aksaya ng panahon."
At lokong Ryan yun! Absent nga siya nung last na photoshoot namin, nagawa pang makipag-date?!
"Pero naakaawa yung sitwasyon niya ah. Kahit papano." Dagdag ko naman. May part na naiinis ako, may part naman na naaawa ako na parang gusto ko siyang tulungan. PERO MARAMI PA TALAGA AKONG GAWAIN KAYA SORRY.
"Suuuuuuuus! Paano kung ibang lalaki yun?" Tanong niya ng may pang-uusisa sa mata.
"Anong ibang lalaki?" Kunot noong tanong ko.
"Kung iba... Alam mo na. Kung si... Vince?"
"Edi ayos---ayos... aayosin ko nalang buhay ko kaysa puntahan siya kung siya man yung nandun!" Inirap ko ang mata ko hanggang sa langit. May problema talaga 'to si Megan eh. Problema sa pag-iisip. Jusme.
Tinignan ko siya. Naka-ngiti siya na parang baliw. Super. Kanina pa siya nang-iinis ah!
"HOY TIGILAN MO YAN! Pag nahanginan ka, nako. Ang saya mo. Tignan ko lang kung maasar mo pa ako pag natuluyan ka sa ganyang itsura mo. Para kang timang."
"Hahaha. Biro lang. Nako, tara na nga't pumasok. Ako na magda-drive." Lumabas na kami ng bahay at nag-drive na siya papunta sa BMC.
Si VR kaya, sinong naka-date niya? Di ko rin siya naka-usap nung bakasyon eh.
***
Hindi pa kami fully parked pero tinigil na ni Megan yung sasakyan ko. Bakit?
"MJ, dali. Tignan mo oh. Si Vince yun pati si Krisha diba?" Hinila ni Megan ang ulo ko palapit sa kanya. Napa-kunot ang noo ko saka sinundan yung direksyon ng mata niya.
"O-Oo nga ano. Bakit naka-sukbit yung kamay ni Krisha kay Vince Renzo? Nung last time lang sila nagka-kilala diba? Sila ba? Magka-kilala na ba sila dati pa?" Tuloy tuloy kong tanong.
Ang alam ko, unang beses nilang magkakilala ay nung sa photoshoot na wala si Ryan. Inis na inis pa nga nun si Vince Renzo kay Krisha kasi ang arte daw.
"Anong tingin mo sa akin? Matandang propeta na alam ang lahat ng nangyayari sa mundo? Gaga ka talaga forever. Tara na nga't bumaba para malaman natin yung sagot."
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]