~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Imperfection]
"Baba na." Utos niya matapos mag-sabi ng instructions at matapos i-unlock yung pinto. Sinunod ko naman ang utos niya. Matapos yun, pina-harurot na niya ang sasakyan niya. Naiwan akong nakatayo sa may entrance ng mataas na building.
Di ko talaga alam kung anong saltik ng lalaking yun eh. Kung pwede lang na hindi na sundin yung pinapagawa niya eh. =__=
Pero kapag hindi ko siya sinunod, panigurado hindi ako titigilan ng mokong na 'yun. Nandito na ako sa condominium pero hindi ko pa nakikita yung mismong unit niya kasi nasa may lobby palang ako.
"Good evening mam. Guess po kayo?" Tanong sa akin nung guard.
"Good evening din po. O-opo. Mr. Belencion po." Nag-nod lang siya at ako naman, dumiretso na sa elevator. Room 1108 daw yung unit ni Vince Renzo sabi niya sa akin.
Ayun! Hindi naman pala ako mahihirapang hanapin. Nang makalapit ako sa pinto, sinuksok ko na kaagad yung susi pero ayaw bumukas.
Try ulit. Ayaw pa rin. Hindi kaya niloloko lang ako nung lalaking yun!? >o< Baka mamaya ibang susi pala yung binigay niya. Sinubukan kong kumatok.
Nakarinig ako ng foot steps. Kinabahan ako bigla. Baka mamaya scam pala 'to. Baka mamaya ibinugaw na pala ako nun! :o Baka mamaya rapist pala 'tong nasa loob.
Tatakbo na sana ako kaso biglang bumukas yung pinto.
"AAAAH!" Sigaw ko habang nanginginig sa kinatatayuan ko.
"AAAAH!" Sigaw din niya. Imposible namang maging rapist si mother diba? Oo, isang babae na mukhang nanay ang kaharap ko. Buti nalang hindi siya nahimatay dahil kung sakali, ako pa ang may sala.
"Nako. Pasensya na po. Nagulat lang po ako. Uh, kayo po ba yung mother ni Vince Renzo?" Tanong ko sa kanya. Mukha naman kasi siyang approachable. Pero bakit ang tanda na ata ng nanay ni Vince?
"Bins? Hija, walang Bins Rens dito. Saka alam mo ba, yung Room 1101 hanggang 1110, ang alam ko ay puro babae ang nakatira." Share mo lang mother. -o- Huhu. Mali pala ako.
Saka joker din si mother eh. Talaga namang walang Bins Rens akong hinahanap eh. Vince Renzo kasi yung hinahanap ko eh. Peace ^_^
"Ah, sige po. Sorry po sa abala. Siguro po nagkamali lang ako."
"Osha sige. Nawa'y makita mo ang hinahanap mo." Sabi nito habang tinataboy ako gamit ang kamay niya. Alam niyo yun? Yung parang pinapalayo ka dahil mabaho ka. Pero di ako mabaho ah! T^T
"Hehe. S-sige po. Salamat po." Pagkasabi ko nun, lumayo agad ako at tinawagan yung mongoloid na lalaking yun.
Buti nalang matalino ako at naisipan kong kuhain yung number niya kanina.
Calling Mr. Yabang...
Naka-ilang rings bago niya sagutin. Batugan talaga 'to. =__=
(Hello? Who the hell is this? Alam mo bang may trabaho ako? Mamaya ka na man-trip.)
"HOY! AKO 'TO, SI MJ! Pinahiya mo ako! Sabi mo, 1108 eh ang sabi sa akin puro babae naman daw yung nakatira sa hanay na yun! Bwisit ka talaga."
(Wow. So, mai-impress na ba ako sa ganda ng bati mo?)
"Che! Akala mo naman napaka ganda ng bati mo! Ikaw ba, pinaglolo-loko lang ako?"
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]