[Betrayed]
March 6, 2014
[Third Person's Point of View]
Maagang gumising ang binatang si Vince. Ayaw man niya pero kailangan. Hindi niya ba alam ang dahilan kung bakit pa siya pinatawag ng mommy niya pero isa lang ang alam niya…
Napipilitan lang siya. Nakakainis.
Agad siyang nag-bihis at dumiretso sa bahay nila na matagal-tagal na rin niyang hindi nabibisita.
“What now?” tanong agad niya pagkapasok ng bagay. Nasalubong naman ng mata niya ang nanay na nasa sala.
“Wow. I missed you too, Vince. Well, I have news for you. You’ll be meeting someone… Your—“
“My what? Can you not put suspense in it? It’s annoying me, mom,” inis na sabi niya. May galit pa rin itong nararamdaman sa mga magulang dahil sa biglaang pag-alis ng ate niya.
Alam ni Vince na may alam tungkol doon ang mga magulang niya pero hindi naman sila nagsa-salita na mas lalong ikinainis niya.
“Hahaha. How I love your annoyed face, son. Well, you’ll be meeting your future wife. Surprise!” nakangiting bulalas ng mommy niya.
“Wife? M-MOM! YOU MUST BE KIDDING ME!” sigaw ng binata nang ma-realize ang sinabi sa kanya.
“Not at all, son. Come on, go get yourself done upstairs. Go now,” sabi nito at pinagtulakan siya nito paakyat sa hagdan.
“MOM! I’M NOT—“
“She’s kind, anak. Jane Larena. She’s very nice.” Napa-tigil si Vince at para bang napalis lahat ng galit at inis niya sa katawan.
'Larena?' Tanong niya sa isip. Then realization hit him.
“Mom! Thank you,” sabi niya habang yakap ang ina.
Naisip niya, paano kaya nalaman ng magulang niya na yun ang girlfriend niya?
Pero kahit paano man, masaya siya. At least, gumagawa ang parents niya ng paraan para makabawi at ito ngayon, future wife niya daw ang girlfriend niya. Hindi na kinailangan ng nanay niya na ipag-tulakan siya dahil siya na ang nag-kusa at nag-madali pa.
“Why did he become excited? Do they know each other?” takang tanong ng ina saka bumalik sa pagkakaupo.
***
Sa kabilang panig…
“Yeeeees! I’m so excited, oh yeah,” sambit ng dalaga sa sarili. Nags-stay ito sa hotel ngayon. Kararating niya lang ng Pilipinas kagabi.
At dahil nagkaroon na siya ng sapat na lakas ngayon, so-sorpresahin niya ang kanyang dobyo. May tatlong araw pa dapat bago ang balik nila para sa dalawang linggo nila galing New York pero napa-aga kaya gusto niyang i-surprise ang nobyo.
Nagbihis na siya kaagad. Pupuntahan nalang niya sa condo ang nobyo. Panigurado, nandun naman yun.
“Maganda na ba ako? Hay, ewan. Bahala na. Mahal pa rin naman ako ni Vince kahit na di ako mag-ayos. Hihi.”
Nag-check out na siya sa hotel.
Pinagtitinginan siya ng lahat ng tao on her way out dahil sa maxi long summer dress na suot niya. Idagdag pa na color blue at V neck ito. Bagay na bagay sa kanya. Ang naisip niya lang na hindi bagay sa kanya ay ang patuloy na pagtawag sa kanya ng Miss Perfect.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]