Chapter 22 ♪ Reconciliation ♪

86 3 1
                                    

This will be the last chapter.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Reconciliation]

Pumunta kami nila VR at Megan sa isang bar. Nakita namin si Samantha. Grabe ngayon ko nalang ulit siya nakita. More or less three months ko ata siyang hindi nakita kagaya ni Joe. Miss ko na yun. :(( Hindi ko siya madalas nako-contact eh.

Sa di kalayuan, nandun naman si Michael. Mag-isang nag-iinom.

Dalawang linggo palang yung nakakalipas nung pag-reject ni Megan pero parang isang taon na. Parang hindi na kilala ni Michael at Megan yung isa’t isa.

Pero gustong tulungan ni Megan si Michael... ng palihim.

Gusto niya na makalimutan siya nito. Sa paraan na ayaw ko. =___=

“Sam!”

“MJ? It’s nice to see you again. And... Megan. Hello.” Napa-yuko si Sam nung mapansin si Megan. Ngayon nalang ulit kami nagkita. Kakabalik lang nila ng Pilipinas. Pero ang sabi ni Joe, nasa Cebu na daw siya ngayon. May trabaho daw, hindi ko lang alam kung kailan babalik.

“Hi Sam. Pwede mo bang kausapin si Michael?” Tanong ni Megan.

“Ha? Naka-move on na ako sa kanya. We’re now strangers. Sorry ulit dun ha.”

“No. Hindi ka dapat mag-sorry. Please, Sam. Bagay kayo. Ikaw ang karapatdapat para sa kanya.” I’m totally against this. Kakasabi lang ni Sam na naka-move on na siya eh.

Masasaktan sila pare-pareho nito eh.

“Ha? Hindi ko maintindihan.” Hay nako, Samantha. Kung alam mo lang. Wala talagang nakakaintindi sa babaeng yan na masarap sabunutan.

“Basta. Kausapin mo lang siya. Ano. Make things clear between you guys.” BABATUKAN KO NA TALAGA ‘TO SI MEGAN!

Make things clear kila Sam at Michael?! Kung makapag-salita akala mo maayos na maayos sila ni Michael. Nakuuu! Kung di ko lang kaibigan ‘to...

Sumunod naman si Sam kahit na di niya rin alam yung dapat gawin at kahit na naguguluhan din siya. Nagtago kami sa gilid habang tinabihan naman ni Samantha si Michael.

“Hi Michael.” Bati nito pero hindi siya napansin ni Michael.

"--can't seem to let you go. I guess it's too late I'm dancing this dance alone this chapter's done the story goes on." Kumakanta si Michael kasabay ng tumutugtog nitong cellphone. Napatingin samin si Sam tas muling tumingin kay Michael na inuhana sa lyrics yung kanta.

"All I want is to set your heart free. But if you believe that you belong with him promise  me you won't let anyone hurt you. Remember, I will always be here for you even if it kills me to see you in that wedding dress." Pagkanta ulit niya at napansin kong naluluha na siya.

Kahit di ko alam yung kinakanta ni Michael, naaawa ako sa kanya. At kahit na wala namang ibang mahal si Megan at mas lalong di naman siya ikakasal sa iba, naaawa pa rin ako kay Michael. 

"Michael!" Malakas na tawag sa kanya ni Samantha at saka lang siya napansin ni Michael. Doon pa lang pumasok yung lyrics na nauna nang kinanta ni Michael kaya tinawanan niya yung sarili niya.

“Sam?! Kamusta?” Naka-ngiting tanong ni Michael. Mukhang masaya siya pero parang may kakaibang damdamin sa likod nun.

“Okay lang. Ikaw?”

War of L'sWhere stories live. Discover now