~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Bees in beach]
Love is a war joined by everyone. They battle, they are injured but sometimes, they survive. But people who are injured manage to take medicine and with that, they battle… Again. Because they all believe that one day, the battle will end in their favors.
But she seemed not to know where battle she is in. She is clueless that she is already in a war, fighting… for the thing we call love.
“BATANGAS HERE WE COME! HAHAHA!” Ibang iba ang aura ni Megan. Hindi ko maintindihan kung masaya lang ba talaga siya o may pina-plano pa siya.
Simula nung gabing nag-usap usap kami, dito na sila tumuloy ni manager hanggang ngayon pupunta na kami sa Batangas. And yes, it’s Valentine’s day.
Close na nga rin si Megan at Joe dahil minsan silang nag-dinner.
“Sa kotse ko na tayo ha! Excited na talaga ako. Tara na nga’t pumunta na sa BMC.” Sabi ni manager. Sa BMC kasi yung meeting place namin. Yung mga pinatawag ni manager sa garden, hindi lang pala yun yung mga kasama. Marami din pala kami. Uh, lagpas sampu.
Bukod sa photoshoot na gagawin namin doon, magba-bakasyon na rin daw kami. At celebration na rin daw ng Valentine’s. Medyo marami rin kasi ang couple sa amin. Pero buti nga’t di na kasama yung iba. May mga ayaw at meron ding hindi pinayagan. Ayos na rin yun. Less bitterness. Hahaha.
“Manager! Tara naaaa! Mag-two piece ka mamaya para nganga si Ryan. Hahaha.” Pang-aasar ko.
“May Rica na yun, MJ. Baliw ka talaga.” Binigyan ko lang siya ng knowing look at sumunod na kay Megan sa labas ng bahay.
“MJ! Mag-iingat ka ha? Baka kamustahin ka ng mommy mo sa akin.”
“Opo manang. Babye po! Ingat rin po kayo.” ^_^ Paalam ko saka sumakay na ng kotse na dala ni manager.
“Megan, bakit nga pala hindi mo sinama boyfriend mo? Pwede naman diba?”
“Busy siya eh.” Simpleng sagot niya. Hindi ba siya nalulungkot?
“Hindi ka ba nalulungkot man lang? Valentine’s pa naman.” Sabat ni manager. Akala ko pa naman hindi siya nakikinig. Haha.
“Asus! Hindi noh. Busy kung busy. Hahaha. Trabaho naman, walang personalan. Ano naman kung Valentine’s? Nagsasawa naman kami sa isa’t isa kahit papaano. Hahaha. Pagkauwi natin, siya din naman ulit kasama ko.” Hmm. Sabagay. Pero parang may iba sa mga bawat salita niya eh. Nag-away kaya talaga sila?
Ganito talaga si Megan. Palabiro kahit pa tungkol sa kanila nung boyfriend niya pero alam naming lahat na mahal na mahal nila ang isa’t isa kahit na hindi ko pa gaanong kakilala yung boyfriend niya. Minsan lang naming yung makita dahil nga busy sa trabaho.
Minsan nga sabi ni Megan, break na sila pero pag-uwi namin, sinundo siya. Joke lang pala niya yun. Loko. Paano kung nag-dilang anghel siya noon? Pero wala eh. Malakas ang fighting spirit at faith niya.
Yun ang pinaka nakakatuwang bagay tungkol sa kanya. :)
Pero ngayon kasi parang iba eh. Sa mga mata niya, may iba talaga. Hindi ko lang alam. Pero baka naman masaya lang talaga siya. Hindi ko sure.
“Okay. Sabi mo eh. Kayo na talaga.” Sagot naman sa kanya ni manager na tumatawa pa.
Nang makarating kami sa BMC, nandun na si Ryan, Rica, VR, Krisha, dalawa pang couples, at si Joe pati si Kuya Mond, yung isa pang photographer na madalas naming kasama. So, 13 pala kami? Okay lang. Kanya-kanya namang sasakyan eh.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]