~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Perfectly Imperfect]
It's already been three months after nung aksidente na hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano. Pero sabi ko nga kay Krisha, kakalimutan ko na yung past.
More than two months na rin akong nagtatrabaho sa RAMA and so far, okay naman. Totoong maganda ang mag-trabaho dito but I'm lacking something. Care, probably? Feeling ko may kulang pero hindi ko alam kung ano yun.
Maybe, I should really forget everything and start this new year a new life. October 3 ako naaksidente at January 3 na ngayon pero ganun pa rin ang buhay ko. Walang alam sa nakaraan at walang ideya sa hinaharap. Ano kayang bago?
Kakatanong ko palang sa isip ko nang makarinig na ako ng sagot.
“Meron daw bagong model,” sabi nung isang model. To tell you the truth, wala akong kaibigan na matino dito. Kaya siguro si Krisha lang ang kaibigan ko through the time dahil naging picky ako?
“Oo nga daw! He’s hot!”
“Nakita mo na?”
“Hindi pa pero nararamdaman ko,” sagot ng isa. Wow ha! Nararamdaman ang hotness ng isang tao?
"Nararamdaman mo na hot siya?" tanong ng kausap niya na parang tanong ko rin kanina.
"Hindi! Nararamdaman ko na siya ang new boyfriend ko ngayong new year!"
Napailing nalang ako. Tss. They are weird. Kaya okay lang na hindi ko na sila maging kaibigan. Mabuti na ring mag-focus ako sa career ko. Nakakagulat pero parang biglang sikat ako. They are now calling me 'Miss Perfect' and Krisha's so proud of me. Well, siya naman ang tinatawag na sexiest woman dito sa agency.
Actually, medyo magkaiba kami ni Krisha. She's liberated and I'm not. Ever since, hindi talaga ako ganun. As far as I can remember, that's my mom's condition. Bawal akong maging sexy sa harap ng camera. That, I will never forget.
Lumabas ako ng studio at nakasalubong ang isang lalaki.
“Tulo laway," sabi nito. Saka ko na-realize na napatulala na pala ako sa kanya. Napahawak ako sa gilid ng labi ko.
“Sorry,” sabi ko dito at nilagpasan na siya na parang walang nangyari. Kung hindi ko lang kailangan umarte na perpekto, nasabihan ko na siya ng jerk. I hate that guy, whoever he is.
I went out and he came in. The moment I closed the door behind me, I heard the girls squealed with glee. Ohmygosh, don't tell me siya yung sinasabi nilang hot? Tsk. Fine, he is hot. But he's not my type.
"MJ, have you heard of Vince?" Krisha asked na parang inuusisa ako.
"Vince who?"
"Vince Renzo Belencion. The new model!" sagot niya na parang inaasahan niyang kilala ko na yun. Pero hindi eh. At wala akong balak na kilalanin ang jerk na katulad niya.
"Ah, I saw him already but I don't like him, really. He's like a pain in the neck."
"Right! So, stay away from him, okay? Do you find him familiar?" she asked. I tried recalling him but to no avail. I shook my head for an answer. "Great. Okay. Just focus. Wag mo nalang siyang pansinin," she said then umalis na.
Vince Renzo ang pangalan niya? Maganda sana eh. Ever since gusto ko na ang may v, z, o x sa pangalan. Pero tsk. Ang panget naman kasi ng ugali niya kaya sayang ang pangalan. Hay.
After awhile, nagutom ako. Isa pa 'tong hindi nakalimutan kahit ng sistema ko. Ang katakawan ko. Yes, they're calling me Miss Perfect pero sila lang ang nagsasabi nun. I know very well na hindi yun totoo. But I love being called perfect anyway.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]