Chapter 2
Nagising akong may humahaplos sa mukha ko. Nag mulat ako pero agad akong nawala sa mood nang makita si Mama. Tumalikod ako at tinabunan ng unan ang mukha ko. Hindi ako galit sa kanya, nagtatampo lang. Sana kasi sinabi nya muna sa’kin yung mga bagay na yun, kung ano man yun. Hindi yung bigla nya akong ipagkakatiwala sa lalaking ni hindi ko manlang kilala. Hindi naman kami mayaman para gawin nya yun bigla. Hindi naman kami yung pamilya sa mga story na kapag nag hihirap ay pinapamigay yung anak sa mayayaman na tao para magka pera. O baka ganon na kami ngayon. Diba nga, pinamigay nya ako para sa scholarship ko? Tss.
“Kung iniisip mong pinapamigay kita, nag kakamali ka”, rinig kong sabi nya kaya naiyak ako. Eh ano ba kasi yun? Bakit ganon? Ipaintindi mo naman sa akin ‘Ma.
“Ayaw kong malayo ka sa akin anak, pero kailangan. May tiwala ako kay Muxeous na hindi ka nya ipapahamak o wala syang gagawing masama sayo. At isipin mo na lang na para yun sa pag aaral mo. Pag aralin ka nya, hindi ka naman siguro nya bibigyan ng mabibigat na gawain, basta magpaka bait ka lang doon”, sabi nya uli kaya bumangon ako at niyakap sya.
Iniisip ko pa lang na hindi ko sya makikita at mayayakap araw-araw, naiiyak na ako. Paano pa pag nandoon na ako? Hindi ba pwedeng wag na lang?
“Alam kong gusto mong malamang kung para saan yung pag hingi ko ng tawad sa kanya pero hindi ko pa kayang sabihin sayo ngayon. Kaya please anak, mag tiwala ka lang kay Mama ah”
“Pero sabi nya kahapon, away from you daw. Ibig sabihin ‘di na tayo mag kikita?”, humihikbi kong tanong.
“Magkikita pa tayo okay? Mabait naman yung si Muxeous eh, alam kong magkikita pa tayo. Hmm? Wag ka na umiyak”. Parang ayaw ko na lang tuloy mag aral.
“’Ma, pwede bang wag na lang mag aral?”
“Hindi pwede, diba may pangarap ka? ‘Wag mong gawing hadlang yung distansya natin sa isa’t-isa para ‘di mo maabot yung pangarap mo. Konting tiis lang naman eh, masasanay ka rin. Tsaka tumatanda ka na kaya, kailangan mo na maging independent”
“Pero kasi…”
“Mabait sya okay? Wag kang matatakot sa kanya”.
Hindi na lang ako sumagot pa dahil ramdam kong pinagpipilitan nya sa’kin yung desisyon nya. Wala na akong magagawa.
Habang kumakain ako ay dumating si Tita Eula. Nandito nanaman sya para mag bunganga. Konti na lang talaga maasar na ako dyan at sasagutin ko na sya. Puro na lang sya dada, lagi syang nangingialam sa buhay namin kahit wala naman syang ambag kahit pambili ng mantika dito. Wala syang ambag sa buhay namin kaya please lang sana tumigil na sya.
“At ano naman itong nabalitaan ko Ivy na pinapamigay mo si Jia?! Ganon ka na ba katanga sa kanya? Nag bubulag bulagan ka nanaman! Nung una, yung kapatid ko, ngayon naman yung pamangkin ko—”
“Tita, pwede ba tama na?! Ang aga-aga nangingi alam ka nanaman sa buhay namin! Hindi naman bata si Mama para ikaw ang mag desisyon sa buhay nya! Kaya pwede ba? Please lang, magshut up ka na lang”, inis kong sabi at uminom ng tubig. Nakakawalang ganang kumain.
Tumahimik naman sya at umalis ng bahay. Lumabas din ako na ‘di nag papaalam kay Mama. Hinanap ko si Kuya at nakita sya sa tindahan nag sisigarilyo. Nang makita nya ako ay pinatay nya yun at tinapon. Umupo ako sa tabi nya at sumandal sa dibdib nya. Niyakap nya ako sa bewang at hinalikan sa ulo.
“Pupuntahan kita doon. ‘Wag ka nang malungkot okay?”
“Paano kung ilayo nya ako sa inyo ng tuluyan? Mukha pa naman syang may sa demonyo mag isip”, biro ko na kinatawa nya.
BINABASA MO ANG
GAP SERIES: DRAYTON
Romansa"Let go of the past, focus on your present. Focus on me, Lucifer" A story about a man who is afraid to take a risk and a girl who is reckless.