Chapter 5
Habang kumakain ng almusal ay naka titig nanaman sya sa akin. Hiyaan ko na lang dahil medyo sanay na rin naman ako. Ilang araw na kaming ganito, ‘di pa ba ako masasanay?
“I have a gift for you. A graduation gift”, bigla nyang sabi kaya napa tingin ako sa kanya habang subo ang kutsarang may mayonnaise.
“Hmm?”, sagot ko at tinanggal ang kutsara sa bibig. Inilapag nya sa lamesa ang isang paper bag na ‘di ganon kalaki. Inilapit nya yun sa akin kaya kinuha ko.
“Ano naman ito? ‘Di mo naman ako kailangan bigyan ng regalo—“, napatigil ako sa pag salita nang ilabas ko ang laman nung paper bag. Iphone?! Seryoso ba sya?!
“H-Hindi ko ‘to kayang tanggapin”, bigla kong sabi at nahihiyang tumingin sa kanya. Oo gusto ko ng bagong cellphone pero ‘wag naman yung bigla akong bibigyan ng mamahalin.
“But that’s my gift for you. And I know that it’s my fault kaya nabasag yung phone mo”, sabi nya at napatingin sa cellphone kong katabi ng pinggan ko.
“P-Pero ‘di ko naman pinapabayaran yun eh—”
“It’s my gift”.
Nanghina ako sa sinabi nya. Anong gagawin ko ngayon? ‘Di ako marunong tumanggi sa regalo, pero kasi yung regalo nya, sobra na yun. Mula pa lang sa mga gamit na binili nya para sa’kin, alam kong mahal ang mga yun. Tapos ngayon, Iphone naman?! Nasisiraan na ba sya?
“Fine, pero wag mo na itong uulitin, kung may balak ka man. Ayokong may gumagastos ng mahal para sa akin. ‘Di ako sanay, but thanks. Thank you dito”, sabi ko at ngumiti sa kanya.
“Yeah, sure”, sabi nya at humigop ng kape.
Minsan naiisip ko, paano kung sa huli isumbat nya yung mga gastos nya para sa’kin? Wala akong pambayad sa lahat ng yun! Ha!
Habang nag huhugas ng pinggan na pinag kainan namin ay nakita ko syang pumasok sa kusina. Naka bihis sya ng puting polo at three fourth short. Napalunok ako dahil sa magandang tanawing nakikita ko. Agad akong nag iwas pero agad ding napalingon uli nang mag salita sya.
“Bilisan mo dyan, may pupuntahan tayo”, sabi nya na ikinatango ko na lang. Saan naman kami pupunta? Date? Hehe joke lang. Baka heto na ang simula ng pag hihirap ko.
Minadali ko ang pag hugas at nang matapos ay agad akong nag bihis ng damit. Nakapag ligo naman na ako kanina eh. Simpleng puting sleeveless dress na hanggang kalahati ng hita ko ang sinuot ko. Tapos brown na flat sandals. Then nilagay ko sa brown kong bag ang mga kailangan ko at ang cellphone ko. Mamaya ko na lang gagamitin yung phone na binigay nya, 'di ko pa kasi yun nabubuksan.
Lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa labas nang 'di ko na sya naabutan. Nilock ko ang bahay dahil meron din naman akong susi nun. Binigyan nya ako nun kahapon para daw incase na wala sya.
Pag lingon ko sa harapan ay nakita ko syang nag hihintay sa akin, nasa gilid sya ng kotse nya at naka titig sa akin. Bumaba na ako sa tatlong baitang na hagdan at lumapit sa pwesto nya. Para akong matutunaw sa titig nya. Hehe.
Binuksan nya ang pinto ng passenger seat at pumapasok ako doon. Umikot sya sa driver seat at pumasok na. Napatingin sya sa’kin kaya napatingin rin ako sa sarili ko at napag tantong wala pa pala akong seatbelt. Agad ko iyong ikinabit habang kinakabit nya ang kanya. Habang nasa byahe ay tahimik lang akong naka masid sa labas. Saan naman kaya kami pupunta ngayon?
Nag buntong hininga ako at inilibot ang paningin sa kotse nya. Parang dati lang, nangangarap ako na may kotse ako. Ngayon, heto at araw-araw na akong nakakasakay sa mamahaling kotse. Ganito pala ang feeling na may sarili kang sasakyan, na hindi mo na kailangan maglakad ng malayo o mamasahe para lang makapunta sa gusto mong puntahan.
BINABASA MO ANG
GAP SERIES: DRAYTON
Romansa"Let go of the past, focus on your present. Focus on me, Lucifer" A story about a man who is afraid to take a risk and a girl who is reckless.