CHAPTER 29

79 1 1
                                    

Chapter 29

Dito nag stay ang mga kaibigan n'ya ng isang linggo. At mas marami akong nalaman tungkol kay Lucifer noong kabataan n'ya. Like he's a part of a band sa school nila. He plays acoustic guitar and he sings. Hindi ko 'yon alam, hindi ko pa s'ya naririnig na kumanta. Nalaman ko rin na mga bully sila noong senior high school sila. Sobrang dami nilang kalokohan noon like nag ka-cutting, nanloloko ng babae, nang trip ng teacher, tapos may tattoo pa sila na magkakaparehas, it's a triangle tattoo sa wrist na pag pinag tapat-tapat, makakabuo ng heptagon. Pito kasi sila, hindi lang nakasama 'yong isa kasi buntis 'yong asawa, kabuwanan na.

Ngayon ay narito kami sa beach, sa likod lang ng bahay. May maliit kaming campfire sa gitna at nakaupo kami sa buhanginan palibot habang nag kukwentuhan.

This circle of friends are really nice. Hindi ako naa-out of place kahit ako 'yong pinakabata sa aming mga babae. Actually, mga bata pa talaga kami, nasa twenty's lang ang babae habang yong mga asawa nila ay nasa thirty's na. Like, magkakaibigan talaga sila dahil pare-parehas silang bata ang gusto. Friendship goals 'yan?

Last day na nila dito sa Isla at nag aya sila na mag inom at mag celebrate na nagkasama-sama uli sila. 'Yong mga bata naman ay tulog na so, malaya kaming makapag inom na walang iniintiding bata. May kan'ya-kan'ya kaming ginagawa, 'yong iba ay nag memake out din, 'yong iba ay nag aasaran, may nag uusap ng masinsinan, may nag aaway.

Tinulak ko ang mukha n'ya nang may maalala ako.

"Kumakanta ka pala?", tanong ko. Ngumiti s'ya at bumulong.

"Gusto mo kantahan kita?"

"Talaga?", excited kong sabi.

"Sa kama?", nakangisi n'yang sabi na ikina irap ko.

"Lucifer!", saway ko at sinabunutan s'ya ng mahina. Tawa s'ya ng tawa kaya inirapan ko uli. Puro na lang kamanyakan. Puro na lang siguro sex ang nasa isip nya. Tss.

Napa lingon kami kay Gavin nang mag simula s'yang mag strumm ng gitara.

"Have I ever told you
I want you to the bone?
Have I ever called you
When you are all alone?", simula n'ya sa pagkanta na ikina ngiti ni Belle.

Unti-unti ay sinabayan s'ya bg ibang lalaki, si Vince ay ginawang drum ang hawak n'yang tupperware. Napatingin ako sa katabi ko nang sumabay din s'ya sa kanta, naka tingin s'ya sa akin.

"And if I ever forget
To tell you how I feel
Listen to me now, babe
I want you to the bone"

Naka titig s'ya sa mga mata ko habang binibigkas ang bawat lyrics ng kanta. Mas lalo lang akong nahulog sa kan'ya. Nag beblend ang mga boses nila ng walang ka effort-effort. Ang sarap pakinggan lalo na at sumasabay sa tunog ng alon. Maya-maya ay nag iba ang tune ng gitara at iniba ni Lucifer and kanta.

"You took me right out of the blue
Simply by showing that you love me too".

Hindi ko maalis ang titig ko sa kan'ya habang kumakanta s'ya. Nag iinit ang pisnge ko sa kilig, gusto ko na lang sumigaw pero syempre pinigilan ko.

"Only by giving me your everything
With a love so true you took me out of the blue".

"Eyy!", sigaw ni Khent saka iniba nanaman ang kanta kasabay ni Slate.

"I promise you, girl
I promise you this!", out of tune na sigaw ni Slate with British accent pa. Sosyal ang pagiging sintunado n'ya.

"When the blue night is over my face
On the dark side of the world in space
When I'm all alone with the stars above
You are the one I love"

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon