CHAPTER 8

84 1 1
                                    

Chapter 8

Nang sumapit ang hapon ay napag pasyahan na naming umalis sa farm. Sabi nya mag ka-camping daw kami. Napaisip ako, bakit ‘di na lang kami dito mag camping? Maganda naman dito, may lugar naman dito na pwedeng mag camp. Kailangan pang pumunta kung saan. Paano kung may ligaw na hayop dun tapos madisgrasya kami? Paano kung maligaw kami? And worst... Paano kung may binabalak pala syang masama sa’kin?!

Nanlaki ang mata ko at napatigil sa paglakad. Lumingon sya sa’kin at nag taka.

“What is it? Are you tired?”, tanong nya na ikina iling ko. Ibang daan ang tinutungo namin, hindi ito yung dinaanan namin kanina.

“Saan tayo pupunta?”, tanong ko na ikinakunot noo nya.

“Camping site. Malapit lang yun dito”

“Sigurado ka?”, alanganin kong tanong. Lumapit sya sa’kin at hinawakan ako sa baba, pinatingala ako sa kanya.

“Jianna, baby? Do you trust me?”

“Siguro?"

“Do you believe those people who says that I’m a bad guy? Do you believe them Jianna?”, tanong nya muli na ikina iling ko. Hindi ako naniniwala doon. Ramdam ko na mabuti syang tao, ramdam ko yun sa tuwing magkasama kami. Strange but totoo yun. Ramdam ko na ligtas ako sa tuwing kasama ko sya.

“Then trust me, okay? Come on, malapit nang gumabi”, aya nya kaya lumakad na kami. Naka rating kami sa isang patag na lupain. Hindi iyon kalakihan, pero medyo malawak. May mga ligaw na bulaklak at damo roon. Inilapag nya sa ilalim ng puno ang mga gamit nya na ginawa ko rin. Inilabas nya sa bag ang tent at sinimulang itayo yun. Nang matapos sya ay tumingin sya sa’kin.

“Wait me here, kukuha lang ako ng mga kahoy”, sabi nya kaya tumango ako. Umalis sya dala ang isang itak na hiniram nya kanina sa farm. Inayos ko ang mga gamit namin. Inilagay ko ang iba sa loob ng tent. Nang matapos ako ay lumabas ako, medyo madilim na, siguro ay alas singko na ng gabi. Wala naman akong orasan dahil nalowbat ang phone ko, hindi na mabuksan. Maya-maya ay dumating si Lucifer, may dala syang mga kahoy. Topless sya at medyo basa ang buhok.

“May ilog sa banda roon, you can go there if you want to take a bath. Don’t worry, it’s safe”, sabi nya na ikinatango ko. Agad kong kinuha ang bag ko at nag paalam sa kanya. Kanina ko pa gusto maligo, kanina pa ako naiinitan at nanglalagkit ang katawan dahil sa pawis. Meron naman akong dalang pangligo kasi alam kong manglalagkit ako, ‘di ko lang inaasahan na may ilog dito sa pupuntahan namin. May dala din akong extrang damit, syempre, girl scout kaya ako, laging handa. Medyo madilim na kaya okay lang kung mag hubad ako rito, wala namang ibang tao tsaka malayo naman si Lucifer.

Nang matapos ay nag bihis ako at pinigaan ang buhok. Madilim na pero may buwan namang tumatanglaw sa daan, 'di rin naman ako takot sa dilim kaya okay lang. Nang makarating sa pwesto namin ay nakita ko syang naka upo sa isang malaking kahoy. May campfire sa harapan nya, may iniihaw sya doon. Inilagay ko ang bag ko sa gilid ng tent at pumunta sa pwesto nya. Ibibigay nya sa’kin ang isang nakatuhog na inihaw nya. Inabot ko yun at nag taka nang makitang para iyong maliit na ibon. Napangiwi ako. Kawawa naman yung ibon.

“Saan mo ito galing?”, tanong ko at sinuri yun. Tama lang naman ang pagkakaluto, mukha syang malinis pero nakakaawa. Nagulat ako nang ilapit nya sa’kin ang mukha nya.

“I’m the devil, of course I can do everything”, nakangising sabi nya. Itinulak ko ang mukha nya palayo at inirapan. Talagang nicareer nya ang pagiging Lucifer?

“Siraulo”, bulong ko at kumurot ng konti sa hawak ko. Sinubo ko yun at napa tango nang malasahan. Masarap, malinamnam, lasang manok.

“Eat it, matagal pa ang umaga. Magugutom ka”, sabi nya at binigay din sa akin ang basket ko na maraming prutas. Binigyan ko sya na tinanggap naman nya pero mas marami akong nakain.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon