Chapter 12
Matapos naming mamili ng mga kailangan sa bahay ay umuwi na kami— ah, no. Akala ko lang pala dahil itinigil nya ang sasakyan sa parking lot ng isang mall. Inaya nya akong lumabas kaya sumunod ako sa kanya.
Binati kami ng guard bago kami pumasok. Madaming tao sa paligid, may mga batang nagtatakbuhan. Dahil sa pagkataranta na baka mawala ako ay agad akong humawak sa braso ni Lucifer. Pinagsiklop nya ang kamay namin at hinila ako papunta kung saan.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong na sa isang simpleng restaurant habang naka pulupot ang braso ni Lucifer sa akin. Inaya nya akong maupo sa gilid, malapit sa glass wall.
Tumingin ako sa labas, nakita ko ang mga taong busy sa kani-kanilang buhay. Tumawag ng waitress si Lucifer at umorder ng pagkain. Mabilis na lumipas ang oras, matapos naming kumain ay iginala nya ako sa mall.
Tumambay kami sa gitna kung saan ay kitang-kita ang ibang tao sa ibaba. Wala kaming ginawa kun’di ang mag asaran at mang lait ng iba.
“Look at that guy”, turo nya sa lalaking naka sandal sa gilid ng isang store. Natawa ako nang makita ko yun.
“HAHAHA mukhang puyat na naka drugs HAHAHA. Wait, wait. Tingnan mo yun”, sabi ko at tinuro ang isang babaeng dumaan.
“She looks like a drunk broken woman”
“Tabingi lumakad HAHAHA”.
Nang maboring at magsawa kami ay napag pasyahan na naming umalis. Lumabas kami ng mall at naglakad papunta sa park. Naka akbay sya sa akin habang nilalait ang isang lalaki.
“He’s not handsome right?”, tanong nya sa’kin kaya tiningnan ko ang tinuturo nya.
“Hmm hindi naman ah. Actually mahitsura naman”
“Tss. He’s not!”, angal nya at hinila ako papunta kung saan.
Papalubog na ang araw, medyo kulay kahel na ang kalangitan. Nakasalubong namin ang nagtitinda ng ice cream, hindi nya sana ako bibilhan kaya pinilit ko sya. Ayaw akong bilhan kasi nakarami na daw ako kanina, baka daw pasukin ako ng lamig. Pero napilit ko sya kaya wala syang nagawa. Nang makabili kami ay pumunta kami sa tabing dagat, umupo kami sa seawall at pinanood ang araw na malapit nang lumubog.
“Nakakapagod palang gumala”
“Yeah, but it’s worth it”, sabi nya at inayos ang buhok kong lumilipad dahil sa hangin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya, isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko, hinayaan ko lang sya at patuloy na kumain ng ice cream. Naaaliw ako sa mga ibong lumilipad at sa mga along humahampas sa batuhan. Mabilis kong inubos ang ice cream ko at kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at kinuhaan ng litrato ang tanawin sa harapan ko.
Nakaka ilang kuha pa lang ako ay pinakialam nya ako. Pinindot nya ang phone ko at nireverse ang camera. Kitang-kita sa screen ang mukha nya, naka kunot ang noo. Kinuhaan ko syang naka ganon habang ako ay naka ngiti. Bigla syang kumilos kaya wala sa sariling napindot ko ang phone ko. Saktong hinalikan nya ako sa leeg at pisnge. Nag iinit ang pisngeng humarap ako sa kanya at ibinaba ang cellphone. Natatawa syang tumingin sa harapan.
“Guess, this a date?”, naka ngisi nyang baling sa akin. Inismiran ko sya at sinapak sa braso.
“Gago! HAHAHA”, natatawa kong sabi.
Pumulupot ang braso nya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya, umakbay sya sa akin.
“Bakit sabi nila, may girlfriend ka daw?”, tanong ko sa kanya. Pinisil nya ang pisnge ko.
“Sabi ko rin na wala diba?”
“Weh? ‘Di nga? Sa gwapo mong yan?”
“So I’m handsome for you huh?”
BINABASA MO ANG
GAP SERIES: DRAYTON
Romansa"Let go of the past, focus on your present. Focus on me, Lucifer" A story about a man who is afraid to take a risk and a girl who is reckless.