CHAPTER 22

82 2 0
                                    

Chapter 22

Pag pasok namin ay sinalubong kami ng mga namamahala roon at ang may ari ng resort.

“Magandang araw po”, bati namin.

“Magandang araw rin po, masaya po kami at personal nyong binisita ang resort namin. Ako po si Ino, ito ang anak kong si Dennis, ito naman po ang fiance nyang si Sia”

“Magandang araw po, salamat naman at nakarating kayo ng maayos rito”

“Magandang araw, kinagagalak rin po naming bumisita rito. Halina po kayo upang makapag pahinga kayo at maka kain na. Nag handa po kami ng pagkain para sa inyo”

Tahimik lang ako habang kumakain, nasa kaliwang side ko si Inez habang nasa kanan si Lucifer. Ayaw ko kasing mahiwalay kay Inez kasi na a-out of place ako, eh ito namang si Lucifer hila ng hila sa akin kaya in the end, kaming dalawa ang nahihila nya.

Nag uusap-usap sila nang dumating muli ang may ari ng resort. Isa-isa silang nagpakilala habang ako ay umiinom ng tubig at pasimpleng nag tatago dahil 'di ko alam kung anong sasabihin ko. Kung ba’t ba ako nandito. Paninindigan ko ba talaga ang pagiging personal assistant ko?

“Ikaw iha? Anong pangalan mo?”, tanong ni Mang Ino habang naka tingin sa akin. Naiilang kong ibinaba ang hawak kong baso at tumikhim.

“Jia po. Ako po si Jianna Vicente, ahm.. pers—”

“She’s with me”, putol ni Lucifer sa sasabihin ko kaya pasimple ko syang sinamaan ng tingin.

“Yeah, he’s personal assistant”, sabat ni Amelia at bakas ang pagtataka sa mukha nila Mang Ino, Kuya Dennis at Ate Sia.

“Personal assistant? Ahh.. Akala ko girlfriend”— Kuya Dennis.

“Mukha kasi kayong magkasintahan ni Mr. Drayton”— Ate Sia.

“Oo nga, bagay pa naman kayo”— Mang Ino. Naiilang akong natawa ng mahina na sinundan ng katahimikan. As in walang nag salita sa amin. Awkward. Feeling ko tuloy pulang-pula na ang pisnge ko.

“Ayyyieee… baka naman po kasi papunta pa lang dun”, sabi ni Inez at siniko ako na ikina taka ko.

“Oo nga po, dyan din naman nag simula sila Mom at Dad”, Sabi ni Ate Bea at kinindatan ako.

“Mag tigil nga kayo, nakakahiya kayo”, bulong ko at tinakpan ang pisnge ko. Natawa na lang sila Mang Ino sa amin at nagpatuloy sila sa pag uusap.

“O sya sige, maiwan na namin kayo. Sya nga pala konti pa lang ang mga staff namin rito dahil nag alisan na yung iba nong malamang ibebenta namin itong resort. Kaya sana feel at home kayo. Libre naman lahat ng naririto dahil sa inyo na itong resort”, sabi ni Kuya Dennis na ikina tango ko. Kaya pala walang gaanong tao. Lima lang yung nakita kong staff kanina.

“Naayos naman na namin yung mga kwarto kanina, kayo na rin ang bahala kung saan nyo gustong tumuloy. Kapag may kailangan kayo, mag sabi lang kayo ah”, sabi ni Ate Sia saka sila nag paalam.

“Mux, tabi tayo ng kwarto”, sabi ni Amelia na ikina irap ni Inez.

“Yeah sure”, sagot ni Lucifer na para bang wala lang yun. Haler, narito ako sa tabi mo oh. Tumayo ako at kumapit kay Inez para 'di nya ako maiwan.

“Share tayo sa room Bessy”, aya sa’kin ni Inez na sasang-ayunan ko sana kaso agad akong nahigit ni Lucifer pabalik sa tabi nya.

“No, you’re staying with me”, sabi nya na ikina tingin sa amin ng lahat.

“Eyy! Sige, tayo na lang Inez ang mag share”, sabi ni Ate Bea at nang aasar na tumingin sa akin. Napa iling na lang ako at gusto sana silang pigilan pero agad naman silang umalis. Natatawang umalis sila Kuya Zack at Aron na ikina simangot ko. Wala manlang gustong tumulong sa akin. Nakaka hiya na talaga, baka kung ano na lang ang isipin nila. Maissue pa kami, mas nakakahiya yun.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon