CHAPTER 27

85 2 0
                                    

Chapter 27

When you are in a good happy times, hindi mo maramdaman kung gaano kabilis ang oras. Marerealize mo na lang, sobrang dami na pala ng araw na mga nag daan.

It’s been years of that not-so-perfect relationship with him. Fighting and ignoring all the rumors about us, not minding those people who judge and criticize us. And as usual, palagi kaming nag aaway pero nag kakabati rin.

Minsan nga naiisip ko, hindi ba s'ya nag sasawa sa routine na ganon? Sa paulit-ulit naming pag aaway sa walang kwentang dahilan? Hindi kaya s'ya nag sasawa sa’kin?

Bumangon ako at kinuha ang t-shirt n'yang naka kalat sa sahig saka iyon sinuot. Hinanap ko ang panty ko kung saan n'ya nilagay kaso 'di ko makita. Kumuha na lang ako ng bago sa closet saka iyon isinuot at lumabas ng kwarto. Nakita ko s'ya sa may kusina, nag luluto ng kung ano. Lumapit ako sa kan'ya at niyakap s'ya mula sa likuran.

Now that we’re already one year in a relationship, 'di ko maiwasang isipin na paano kung mag sawa s'ya sa’kin? Paano kung ayaw n'ya na sa’kin? Makakaya ko ba? Will it be okay for me? Gayong halos buong buhay ko sa kanya na umaasa. Kung mag hiwalay kami, malilimutan ko ba lahat? Gayong halos kalahati ng masasayang alaala ko ay kasama s'ya.

“Baby? Heyy, why are you crying? Are you hurt somewhere?”, tanong n'ya at humarap sa akin. Pinunasan ko ang mata ko na medyo namamasa-masa. Umiling lang ako at yumakap uli sa kan'ya.

“Why are you crying?”, tanong n'ya uli at binuhat ako saka pinaupo sa countertop. Ikinulong n'ya ang mukha ko sa magkabila n'yang kamay.

“Tell me”

“W-Wala—”

“Jianna”

“P-Paano kapag a-ayaw mo na s-sa’kin?”

“What? I don’t even know how much I wanted you. Tapos ikaw ganyan ang iniisip”

“Eh kasi…”

“Shh.. you’re overthinking again. Sabi ko naman sa'yo, 'wag kang masyadong mag isip ng mga bagay na darating pa lang”

“Said by a guy who’s always thinking about his past?". Natawa s'ya sa sinabi ko saka ako niyakap.

“Don’t worry, okay? I love you, always remember that. I know this relationship is not perfect but we’re making an effort, right?”. Tumango na lang ako at niyakap s'ya.

Paanong hindi ako mag iisip ng mga ganong bagay kung araw-araw, pinaparamdam n'ya sa’kin ang bagay na ayaw kong mawala. Hindi ko lang lubos maisip kung paano na ako kapag nawala s'ya sa’kin. Iniisip ko pa nga lang na may iba s'yang girlfriend naiiyak na ako. Nag seselos nga lang ako kay Amelia halos mag wala na ako. Paano pa kapag totoo na?

Naka titig ako sa kan'ya habang nag handa s'ya ng baon kong pagkain sa school. Ang gwapo n'ya talaga. Hindi s'ya nakaka sawang tingnan kahit pa magdamag akong tumitig sa kan'ya. Simple lang ang damit n'ya, white polo at three fourth short pero 'di nabawasan ang angas n'ya.

“Bakit ito lang ang dala mong gamit? Wala ba kayong ginagawa sa school?”, tanong n'ya habang tinatanggal ang mga basura sa bag ko.

“Wala. Malapit na ang finals kaya nag e-exam na lang kami”

“Okay. Eat all your food. Baka naman ibigay mo lang sa mga kaklase mo? Baka naman si Inez lang ang maka ubos n'yan? Wag kang magpalipas ng gutom ah”

“Opo, hindi po”.

Inaya n'ya na akong lumabas ng bahay. Ganito palagi ang routine namin. Gigising sa umaga, asikasuhin n'ya ako na parang bata, ihatid n'ya ako sa school saka s'ya pupunta sa trabaho, susunduin ako pauwi, uuwi sa bahay, natutulog then repeat. Kapag wala namang pasok, it’s either yayain n'ya ako kung saan o kaya isasama ako sa trabaho n'ya. Minsan umuuwi kami kila Mama, doon kami natutulog kaso ayaw n'ya doon. Hindi kasi kami pinag tatabi ni Mama. Alam n'ya naman daw kasi na nag tatabi kami pero kapag daw nasa bahay n'ya, bawal daw 'yon. Kasi kapag nandoon daw, baby pa rin ako. Hmm, ayaw pa rin talaga akong pakawalan ni Mama at ni Kuya. Mag e-eighteen na ako’t lahat-lahat, baby pa rin nila ako.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon