Chapter 35
“Saan naman tayo pupunta ngayon?”, tanong ko habang kumakain ng fries na binili n'ya. Tinitingnan ko ang dinadaanan namin. Malapit ‘to sa may park.
Hindi ako pumasok ngayon sa trabaho kahit malapit na ang payday. It’s Saturday so we decided na mag date.
“I have a surprise for you, hope you like it”, sabi n'ya kaya medyo na excite ako.
Ipinasok n'ya ang kotse sa gate ng Green Vine subdivision. Ipinakita n'ya sa guard ang ID n'ya saka kami pinapasok. Ano namang gagawin namin dito?
Hmm.. baka may pupuntahan s'ya dito. Kamag anak?
Itinigil n'ya ang kotse sa tapat ng isang bahay na sarado. Bumaba s'ya at pinag buksan ako ng pinto kaya naiilang akong bumaba.
“A-Anong gagawin natin d'yan?”, tanong ko nang yayain n'ya ako papasok sa gate. Trespassing s'ya, well, wala namang nakalagay na ‘no trespassing' sign.
May kinuha s'yang susi sa bulsa n'ya at binuksan ang bahay. Pinapasok n'ya ako, naka sunod s'ya sa’kin.
Nag tatataka akong lumingon sa kan'ya nang akbayan n'ya ako habang naka tayo kami sa gilid ng pinto. Wala namang tao dito, walang kahit anong gamit, as in wala.
Puro cabinet lang. Tapos plain pa 'yong bahay, puti at brown ang pintura. Anong gagawin namin dito?
“Do you like it?”, tanong n'ya kaya napa awang ang bibig ko at inilibot ang paningin.
“Pinag loloko mo ba ‘ko? Wala namang kahit anong gamit dito. Anong magugustuhan ko d'yan?!”.
Napa iwas ako nang pitikin n'ya ang noo ko saka natatawang niyakap ako.
“I mean, maganda ba 'yong bahay? Wala pa talagang gamit d'yan kasi kabibili ko lang kahapon no'ng nasa school ka. Pero sa taas, may konti ng gamit. What do you think? Maganda ba 'yong kabuoan ng bahay?”
“Wala pa namang gamit kaya 'di ko masasabi kung maganda. Basta walang butas 'yong bubong, okay lang HAHAHA”, sabi ko na ikina tawa n'ya saka pinisil ang pisnge ko.
Hilig n'ya talagang panggigilan 'yong pisnge ko. Ang sakit kaya.
“Kulit mo. I think maganda naman 'yong pwesto n'ya. Medyo malayo sa kapit-bahay so tahimik, malapit lang ang byahe papunta sa trabaho mo, pag labas ng subdivision may palengke, malapit lang sa lahat”
Napa tango lang ako at kumain uli ng fries. Eh ano naman?
“Bakit ka ba bumili ng bahay? Ano namang gagawin mo dito? Dalawa naman ang bahay mo sa Isla ah”
“Baby, it’s for our future”, inis n'yang sabi kaya nilingon ko s'ya. Future?
“A-Ano?”
“Hindi naman sa nag mamadali ako. I just want to bought a house para kapag you know… ayaw mo ba? 'Di ba maganda? Tell me”
“Lucifer? Hindi naman 'yon eh. Ang ibig kong sabihin, bakit dito? Bakit hindi sa Isla? Tsaka future ka d'yan. Baliw ka ba?”
“What? You’re my fiance, of course I want to marry you and live together in our own house!”, inis n'yang sabi kaya napa irap ako.
'Yan nanaman, magagalit nanaman 'yan tapos aawayin nanaman ako.
“I’m sorry, masyado bang madali?”, tanong n'ya na ikina iling ko.
“Hindi. Okay lang. Alam ko namang gusto mo na ng ganon tayo, I know you want to settle down and have a family. Payag naman ako do'n, gusto ko din 'yon. I’m just asking, bakit dito? May bahay ka naman sa Isla”

BINABASA MO ANG
GAP SERIES: DRAYTON
Romansa"Let go of the past, focus on your present. Focus on me, Lucifer" A story about a man who is afraid to take a risk and a girl who is reckless.