CHAPTER 13

74 2 1
                                    

Chapter 13

Tanghali na akong nagising. Pag labas ko ng kwarto ay nakita ko si Mang Danny na nasa kusina at kumakain.

“Iha, magandang umaga. Hehe nakikain na ako, uli”, sabi nya na tinangunan ko lang. Nag timpla ako ng kape at hinanap si Mama. Nakita ko sya sa likod-bahay na nag didilig ng halaman.

“Bilisan mong kumilos, kanina pa si Mang Danny nag hihintay sayo”

“Hmm.. okay”, wala sa sarili kong sagot at inubos ang kape. Naligo ako at nagbihis ng simpleng damit.

Babalik nanaman ako doon, tapos ano? Aasarin nya nanaman ako? Sige lang, susugal nanaman ako tapos iiyak uli. Tss paulit-ulit na lang, wala na bang iba?

Nang makarating sa bahay ni Lucifer ay agad ding nag paalam si Mang Danny sa akin. Pumasok ako sa bahay, wala pa rin si Lucifer. Kung ano yung iniwan ko kahapon ay ganon pa rin ang dinatnan ko. Hindi sya umuwi? Saan kaya sya nag punta? At bakit ako may pake alam?

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Para akong pagod kahit na wala naman akong ginawa. I reached out my phone as I let my tears fell on my pillow. Tinawagan ko ang number ni Inez at hinintay syang sumagot.

(“Bessy!”)

“Inez..”

(“Hey, are you crying?”)

“I-I’m not”

(“Tss so in denial. What happened? Sinaktan ka nya? Hindi ba talaga sya dumating kagabi?”)

“I like him and it hurts so bad”

(“Di pa nga nag uumpisa nasasaktan ka na. Pano pa pag naging kayo na?”)

“Wala namang mag uumpisa in the first place”

(“Why not? Do you really like him?”)

“Yes”

(“Did you tell it to him?”)

“No.. why would I?”

(“Oh come on Bessy! You should’ve tell him, first move ba, ganon”)

“But what if.. may iba syang gusto? What if di nya pala ako gusto? Inez para ko na syang Kuya!”

(“And then? If hindi ka nya gusto edi make him like you. Diba nga, pag may gusto may paraan. If you really like him, then make him yours. Kapag 'di nag work, saka ka sumuko”)

“Ehh? Edi nasaktan naman ako nun ng malala?”

(“At least you took a risk. At least alam mo na wala na talagang pagasa, hindi yang umiiyak ka dyan mag isa. And besides, it’s your first. Kapag 'di nag work, marami pa naman dyang iba. Gawin mo na lang syang character development”)

Napa ngiwi ako sa sinabi nya. Igaya pa ako sa kanya. Jusko.

(“Para ka namang hindi ka si Jianna Vicente nyan”)

“Oo na, mag te-take na ng risk. Pag ako napa hiya, di na talaga kita papansinin”

(“You can’t do that, I’m your best friend”)

Napa iling na lang ako at pinatay na ang tawag bago pa sya mag yabang sa akin. Pinatay ko ang phone ko at ipinikit ang mata. Unti-unti akong naka tulog.

Nagising ako nang makaramdam ng gutom. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kusina at nag hanap ng makakain pero may nakita akong pagkain sa lamesa, mukha kaluluto lang.

Nananaginip ba ako o nandito na si Lucifer? Kumurap ako at tinikman ang pagkain, kaluluto lang talaga. Baka nga nandito na sya, may nakita akong gamit sa salas eh. Ewan, basta kakain ako. Wala akong pake sa kanya.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon