CHAPTER 15

68 2 0
                                    

Chapter 15

Mabilis na lumipas ang araw. Pinatawad na ako ni Mama pero nahihiya pa rin ako dahil sa pag bali ko sa pangako ko sa kan’ya at sa pag sagot-sagot ko sa kanya. Hinayaan nya akong bumalik o sumama kay Lucifer. Siguro ay kinausap sya ni Lucifer, at 'di ko alam ang pinag usapan nila kung bakit muling napapayag ni Lucifer si Mama. Naiilang rin ako kay Lucifer at medyo iniwasan sya pero lagi nya akong kinakausap kahit na wala naman akong isinasagot sa kanya. Tulad na lang ngayon, ang dami nyang sinasabi pero tango lang ang isinasagot ko. Napa kurap ako nang pitikin nya ang noo ko. Sinamaan ko sya ng tingin at hinimas ang noo ko.

“Ano ba?!”

“There, nagsalita ka rin sa wakas”, sarcastic nyang sabi kaya sinapak ko sya sa braso.

“Kailangang mamitik?”

“Why are you avoiding me, huh? You think hindi ko napapansin yun?”, tanong nya na ikinatingin ko lang sa mukha nya. Hanggang ngayon kasi nag aalangan pa rin ako sa sinabi nyang relasyon na walang label. Nakakatakot yun. Wala akong panghahawakan para sa nararamdaman ko.

“’Di mo ako kinakausap, walang good morning sa umaga, 'di mo rin ako niyayakap pabalik, you’re not responding to my kisses, hindi mo ako pinapansin sa tuwing sinasabi kong tatabi ako sayo matulog”, sabi nya at binilang pa sa daliri nya ang mga sinabi nya. Napa awang ang bibig ko pero patuloy lang sya.

“That’s not all, 'di ka na rin nag sa-suggest ng pagkain natin, 'di ka na naghuhugas ng pinggan, ‘di ka na nag lalaba—”

“Edi fine! Ako ang maghuhugas at maglalaba. Sinabi ko bang gawin mo yun? Huh?!”, inis kong sigaw sa kanya at padabog na ibinaba ang hawak kong tinidor.

“That’s not my point!”, sigaw nya pabalik kaya mas lalo akong nainis. Ah, so sinisigawan na nya ako ngayon?

“Eh ano? Bakit mo sinusumbat sa’kin?”

“I’m not!”

“Sinusumbat mo kaya! Binibilang mo pa sa’kin, eh hindi ko naman pinapagawa sayo yun ah! Tsaka sinumbat ko ba sayo yung pangmamanyak mo nung nakaraan kahit wala naman ako sa mood makipag landian sayo— hmmp”.

Bigla nya akong hinalikan ng malalim. Napahawak ako sa braso nya bilang alalay dahil muntik na akong mahulog sa bangko. Iniyakap nya ang braso nya sa bewang ko saka binitawan ang labi ko. Pinag dikit nya ang noo namin at bumulong.

“Just tell me what’s the matter with you”

“Wala!”, sigaw ko at inirapan sya.

Tinulak ko sya saka tumayo at tinalikuran. Pumunta ako sa kwarto ko at dumapa sa kama para isawalang bahala ang inis sa kanya. Ewan ko ba, basta naiinis ako sa kanya. Naiinis na hindi, na ewan.

Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang pag pasok nya sa kwarto at humiga sa tabi ko. Pumulupot ang braso nya sa bewang ko.

“Come on, I missed my naughty little girl”, sabi nya kaya tiningala ko sya. Ngumuso ako at natatawang umusog palapit sa kanya. Gumapang ako at pumatong sa kanya, dumapa sa ibabaw nya saka yumakap. This feels good.

“There, that’s a nice position”, sabi nya at ipinalibot sa bewang ko ang braso nya. Itinukod ko ang baba ko sa dibdib nya at tumitig sa pagmumukha nyang ang sarap kuyumusin. Nawala nanaman ang pagkailang ko sa kanya at gusto kong magpa baby sa kanya ngayon. Nag c-crave ako sa cuddle. O namiss ko lang makipag asaran sa kanya.

“What?”

“Ang sarap kuyumusin ng mukha mo”

“I think it’s better if you’ll sit on it”, bulong nya na narinig ko naman. Nag init ang mukha ko at pinalo ang dibdib nya. Tumawa sya ng mahina at pinag laruan ang buhok ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon, tahimik lang at walang nag sasalita.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon