Chapter 25
Sobrang dilim ng paligid. Malakas ang hangin, malakas ang ulan, makalas ang alon.
“Lucifer kasalanan mo ‘to! Puro ka kasi kalandian, 'yan tuloy naliligaw na tayo!”, inis kong sigaw sa kan'ya habang yakap ang sarili ko. Sobrang lamig, naka dress lang ako tapos basang-basa pa dahil sa ulan at alon.
“I’m sorry, okay? 'Di ko naman ginustong mangyari ‘to”, inis n'ya ring sabi sa akin habang pinapabaling ang bangka kung saan. Sabi kasing tara na, inuna pa ang kalandian n'ya kanina. Inabutan tuloy kami ng dilim at ulan sa gitna ng dagat. Wala pa kaming matawagan ng tulong dahil wala kaming dalang cellphone.
“May Isla sa banda doon, do'n muna tayo magpalipas ng ulan baka may masilungan tayo”
Nang makababa ng bangka ay inayos n'ya 'yon at inaya ako kung saan. Sobrang lakas ng ulan, sobrang dilim sa paligid. Hawak-hawak n'ya ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan na 'di alam kung saan papunta.
“Wait! Lucifer may kubo do'n”, sabi ko sa kan'ya nang makita 'yong kubo sa 'di kalayuan. Pumunta kami doon. Walang tao, wala ring ilaw. Binuksan n'ya 'yong pinto at inaya akong pumasok.
Sobrang dilim kaya kahit na naiinis ako sa kan'ya ay 'di ko maiwasang sumiksik dahil sa takot. Malay ko bang may multo pala dito?
“Wait, wait”, bulong n'ya at may kinapa sa bulsa. Naaninaw ko 'yon. Lighter? Bakit may lighter s'ya? Binuksan n'ya 'yon at may nakita kaming lampara na naka sabit sa gilid. Sinindihan n'ya 'yon at nag hanap ng kung ano rito sa kubo.
"Bakit may lighter ka?", tanong ko na ikina lingon n'ya sa akin. May dinukot s'ya sa bulsa n'ya, isang pakete ng sigarilyo.
"At kailan ka pa natuto mag sigarilyo?!"
"Matagal na, I just smoke when I'm stress", sabi n'ya at tinapon ang sigarilyo.
"Kahit na, alam mo bang masama 'yan sa kalusugan mo?! At tinatago mo pa talaga sa akin huh?!"
"Jianna"
"No, mag dadahilan ka na nam—", hinalikan n'ya ako ng mabilis.
"Sorry, okay?"
Nag buntong hininga ako at umirap bago mag iwas ng tingin.
Inilibot ko uli ang paningin sa paligid. Mukhang abandonado na ‘to, medyo sira na kasi 'yong mga ding-ding at bubong at madaming lawa pero marami pa ring mga gamit. May nakita kaming damit sa isang cabinet, inabot n'ya sa akin 'yong isang dress na puti.
“Here, magpalit ka ng damit mo. Baka magkasakit ka”
“A-Ayoko nga”, tanggi ko habang sinusuri 'yong damit. Maganda naman, mukhang pang dalaga talaga.
“Jianna, 'wag na makulit. Baka magkasakit ka, basang-basa 'yang damit mo”
“Pano kung patay na 'yong may ari nito?”
“Jianna walang multo”
“Meron!”, maktol ko at kumapit sa damit n'ya nang may kumaluskos sa gilid.
“Ipis lang 'yon. Come on, magbihis ka na”, sabi n'ya at hinubad ang damit n'ya para magbihis din. Wala akong nagawa kun'di ang mag hubad sa harapan n'ya. Wala akong suot na bra, tanging panty lang dahil may padding naman 'yong dress ko. Napa awang ang bibig n'ya na 'di ko na lang pinansin at isinuot na ang dress na ibinigay n'ya.
“Seriously?”, kapos hininga n'yang sabi.
“Bakit? Kesa naman do'n ako mag bihis eh may multo do'n”, sabi ko at pinigaan ang buhok kong basang basa rin.
BINABASA MO ANG
GAP SERIES: DRAYTON
Roman d'amour"Let go of the past, focus on your present. Focus on me, Lucifer" A story about a man who is afraid to take a risk and a girl who is reckless.