CHAPTER 14

99 3 1
                                    

Chapter 14

Habang nasa byahe papauwi ay may nadaanan kaming nagkakasiyahang tao sa tabing kalsada. Maraming ilaw, maraming pagkain, inumin at lahat sila ay masaya.

“There’s a festival on this Baranggay”

“Fiesta ng?”

“Ng alak”, sabi nya at iniliko ang kotse para umalis pero agad ko syang pinigilan.

“Bumisita ka kaya”

“Why would I? Baka masira—”

“Shh shut up. Tumigil ka sa kakaisip ng ganyang bagay. Akala ko ba wala kang pake sa sasabihin nila? Halika na, ipakita mo sa kanila na hindi ka ganon”, sermon ko sa kanya at lumabas ng kotse. Sinundan nya naman ako at hinawakan ang kamay ko.

“Jianna, marami ng lasing dito. Tsaka malamig na. Baka magkasakit ka”

“Nag se-celebrate tayo ng birthday ko diba?”, mataray kong tanong na ikina tahimik nya. May sumalubong sa aming isang babae na may dalang alak. Tinanggap ko yun at agad na ininom bago pa makuha ni Lucifer.

“Stop that. Matapang yang alak, Jianna”, saway nya na nginisihan ko lang.

“Nope. Hindi pa ako tinatamaan, isa pa”, sabi ko at kumuha ng isang baso na nasa tray na dala ng isang lalaki. Ininom ko yun bago sumabay sa indak ng tugtog. Hawak nya pa rin ang kamay ko at ‘di ako binitawan. May lalaking lumapit sa amin at inalok sya ng alak na ininom naman nya.

“Oh si Mr. Drayton pala ‘to. Magandang gabi po”

“Magandang gabi po. Happy fiesta”

“Salamat po, Sir. Sana po mag enjoy kayo, marami pa po kaming alak doon”

“Ah no, baka malasing ‘tong kasama—”

“Look Lucifer! There’s a fire on it!”, bulalas ko at pinakita ang hawak kong isang shot glass na may alak at may maliit na apoy sa ibabaw nun. Hinipan ko yun at agad napa ininom. Gumuhit sa lalamunan ko ang init at pait nun pero mas lalo lang akong naging hyper.

“Hmm”. Dinilaan ko ang labi ko at lumingon pa sa kabila para humanap ng alak. Naramdaman ko ang pag hawak nya sa bewang ko at ang isa nyang palad na nasa mukha ko. Pinaharap nya ako sa kanya. May umabot uli ng alak sa kanya na tinanggap naman nya.

“Halika na. Malalasing tayo dito”

“But I want to dance with you”, naka nguso kong sabi at ipinatong ang magkabilang braso ko sa balikat nya.

“Nag English ka na, baby you’re drunk”

“I’m not!”, tanggi ko at isinandal ang pisnge ko sa dibdib nya. Rinig ko ang pag lipat ng tugtog mula sa masaya papunta sa malamyos na musika. Ang kamay nya ay nasa bewang ko at unti-unting isinway ang katawan namin.

Tumingala ako sa kanya at ‘di ko inaasahang sumalubong sa akin ang bibig nya. Ipinikit ko ang mata ko at yumakap sa batok nya. Iginalaw nya ang labi nya at sinakop ang akin. Gumanti ako, ginaya ang bawat pag gagad ng labi nya sa akin.

“Let’s go home”, bulong nya na ikinatango ko.

Isinandal nya ako sa pinto at mabilis na inilapat ang labi sa akin. Mabilis rin akong gumanti at nagpaubaya sa kanya nang buhatin nya ako. Rinig ko ang pag bukas ng pinto at pag sara nun. Nanatili akong naka pikit at naramdaman ang paglapat ng likod ko sa malambot na mattress ng kama.

Wala ako sa sariling pag iisip pero alam ko ang nangyayari. Ramdam ko yun, nakikita ko sya pero parang pinasok ng alak ang buong sistema ko. Napapa ungol ako sa bawat pag galugad ng dila nya sa loob ng bibig ko, sa bawat pag sipsip nya sa dila ko.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon