PROLOGUE

208 3 0
                                    

PROLOGUE

“Grabe ang daming tao kagabi sa rally”, rinig kong sabi ng pinsan ko habang nag huhugas ako ng pinag kainan namin.

Rally? Tss, palagi na lang bukam-bibig nya ay tungkol sa pulitiko. Tapos tatanungin pa ako kung sino daw sa’kin eh ‘di pa naman ako botante. At kung botante ‘man ako, wala pa rin akong pake tungkol sa ganyan. Hindi sa wala akong pake tungkol sa lugar ko, kung sino ang mamuno kun’di sa nakakawalang pake kasi pare-parehas lang naman sila. Pipili ka ng iboboto, pare-parehas lang silang may pangako, may magandang sinasabi at malamang sa malamang, pare-parehas lang silang sinungaling.

“Ang gulo nung pangangampanya ni Senador Gabriel nung naka raan, ang dami nyang suporter, sana sya ang manalong presidente”.

Napa ngiwi ako sa sinabi nya. Presidente? Eh ano namang kinalaman nun sa Isla? Niminsan nga parang 'di manlang napansin ng gobyerno ang islang ito.

“Ang gwapo talaga ni Kapitan Yros, sya talaga ang iboboto ko”.

Napa irap na lang ako at ‘di na napigilang kontrahin nanaman sya.

“Ate Ynna, gwapo lang sya pero ano bang mga magagawa nyan? Eh pa pogi lang naman yan!”

“Hoyy! Sya kaya ang nag pagawa ng sa ano… sa sea wall!”

“Ano pa? Yun pa lang diba? Tapos nang hingi pa sya ng pera sa mga tao, pampagawa nun. Madami naman yung pondo ah”

“Heh! Basta! Pag nanalo sya, magbabago itong baranggay natin”

“Walang kwenta ang Kapitan kung wala rin namang kwenta ang Mayor!”, malakas kong sabi na nangigigil. Natigil kami nang dumating si Mama galing sa labas.

“Alam nyo, maganda itong Isla nung mga Drayton pa ang namumuno”

“Mama, nung nakaraan ka pa Drayton ng Drayton, sino ba yun? Kahit kelan wala pa akong nakitang Drayton sa mga nangangampanya”

“Sila ang may-ari nitong Isla. Mabait sila–”

“Asus! Ivy! Mabait talaga? Ha! Baka naalala mo kung anong ginawa nyang pamilyang yan?!”, putol ni Tita Eula sa kay Mama.

“Bakit? Ano bang ginawa nila? Oo may bad records sila pero di yun sapat na dahilan para sabihing masasama sila. Tsaka hanggang kelan mo ba isisisi sa kanya yung nangyari?!”

“Sino ba ang dapat sisihin? Huh? Diba sya naman talaga? Kita mo ngayon, 15 years nang di bumabalik. Baka nag tatago na yun?”

“Ate Eula naman! 15 years na, sya pa rin ang sinisisi mo”

Teka nga, sino ba yun? Bakit wala akong alam dyan? Sinong sinisisi? Sinong may kasalanan? Bakit ngayon lang naungkat yang issue na yan. Teka, 15 years? Edi kapapanganak pa lang sakin nun?

Hindi na sumagot si Tita Eula at umalis na lang.

“Mama sino ba yung pinag uusapan nyo? Ano ba kasi yang issue tungkol dyan sa Drayton na yan?”. Ngumiti lang si Mama at kinuha ang mga gulay para hiwain.

Gulay nanaman? Sawang-sawa na ako sa gulay. Kaninang umaga, gulay, kaninang tanghali tapos mamayang gabi, gulay nanaman!

“Mama!”, rinig naming sigaw ni Kuya Izaac. Maya-maya ay pumasok sya sa may pinto at nag mamadaling pumunta dito sa kusina.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon