CHAPTER 30

80 4 1
                                    

Chapter 30

Nag mamadali kong inilagay sa bag ko ang mga gamit ko saka pinag buksan s'ya ng pinto.

“Ready?”, inip n'yang tanong kaya naka ngiti akong tumango. Ganon ba ako katagal para mainip s'ya?

Pauwi uli kami ngayon kila Mama. Noong nakaraan, pupunta sana kami kaso nabusy naman si Lucifer sa trabaho tapos ako madaming project kaya 'di natuloy. Matagal na kaming pinapauwi ni Mama doon dahil nalaman n'ya na nag propose na sa akin Lucifer. Actually, madami na ang nakaka alam, as in. Halos lahat na yata ng taga rito sa Isla. And of course, bashers are everywhere. But then, wala naman kaming pake. Wala naman silang ambag sa buhay namin. Edi mainis sila sa’kin, kasalanan ko bang ako ang gusto ni Mr. Lucifer Muxeous Drayton? Tss, 'di ko kasalanan na maganda ako. It's just us, against all odds.

“What’s that?”, tanong n'ya at tinuro ang binti ko. Napa tingin ako doon at agad na itinago 'yon. Ano ba 'yan, bakit n'ya nakita?

“Ahm a-ano—”

“Don’t try to lie Jianna”, seryoso n'yang sabi habang nag da-drive at deretso ang tingin sa daan. Napa simangot ako at walang nagawa kun'di sabihin ang totoo. Tinawag na ako sa pangalan, seryoso na 'yan?

“Ano.. may nag away sa school t-tapos natamaan ako no'ng bangko na tinumba no'ng kaaway— no'ng nag away”

“Really?”, sarcastic n'yang tanong saka saglit na lumingon sa akin.

“Fine! Oo na, nakipag away ako!”, inis kong sabi at sumandal sa upuan saka nag cross arm.

“And why is that?”

“Kasi gago s'ya. Sabihan ba naman ako ng malandi, harap-harapan. Eh s'ya naman 'yong nakikipag landian sa harapan ng maraming tao. Tsaka s'ya ang nanguna! Puro s'ya parinig sa amin ni Inez, kaya nainis ako. Pinatulan ko na”

“Anong ginawa mo?”

“E-Ehh?”. Baka maturn off s'ya kapag nalaman n'ya 'yong ginawa ko sa babaeng 'yon.

“Jianna”

“Hinampas ko sya”

“Ng?”

“Research paper. Wala naman kasi s'yang ambag sa thesis namin tapos magagawa n'ya pang magbida-bida”

“Then? What about your legs? Bakit may sugat?”

“Lumaban s'ya, 'di ko alam, may hawak pala s'yang cutter, sa inis n'ya sa’kin gusto n'ya akong saksakin ng cutter, eh hinila ako ni Inez, sinipa ko s'ya. So ang natamaan 'yong hita ko”, kwento ko na ikina tango n'ya.

'Di ba sya magagalit? Nakipag away ako, haler?.

Pwede akong masuspend or expell. Ay oo nga, bakit 'di ko naisip 'yon? Paano na 'yong pag aaral ko?

“Bakit 'di mo sinabi sa’kin? Sinong nag gamot? Baka mainfection 'yan?”

“'Yong nurse sa school”

“Babae o lalaki?”

“Yung kaaway ko? Babae”

“Yung gumamot sa sugat mo”

“Lalak—”. Halos sumobsub ako sa dashboard nang bigla s'yang mag preno kaya sinamaan ko s'ya ng tingin pero masama rin ang tingin n'ya sa’kin.

“I told you to wear your seatbelt properly!”

“Bakit?! May balak ka talagang idisgrasya ako?!”

“Sinong tanga-tangang nagpagamot ng hita n'ya sa lalaki?!”, inis n'yang sigaw sa’kin habang namumula ang mukha at naka kuyom ang kamay.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon