CHAPTER 33

65 1 3
                                    

Chapter 33

“Good afternoon, Ma’am. Ingat po”, bati at paalam ng guard ng school na nginitian ko bago lumabas ng gate.

Wala naman akong masyadong ginawa kun’di ang pumila para magpasa ng application for graduation. Kanina pa akong alas-sais pero natapos ako alas onse na. Gumising pa naman ako ng maaga para dito tapos ganon din pala.

Habang bumibili ng kwek-kwek rito sa tapat ng school ay kinuha ko ang phone ko. Napa ngiwi ako ng makita ang missed calls si Lucifer.

“Hala, lagot ako”, bulong ko saka isinubo ang buong kwek-kwek. Muntik na akong mabulunan dahil doon kaya tinanggap ko ang palamig na inabot sa akin ni Kuya Ernest—yung may ari ng kwek-kwekan.

“Thanks Kuya”

“Dahan-dahan naman kasi iha”, natatawa n'yang sabi habang nag bibigay ng sukli sa ibang customer. Sa ilang taon akong nag aaral sa school na ‘to, ganon din katagal na nakakasama ‘tong si Kuya Ernest tuwing break time. Close na nga kaming dalawa eh, minsan nililibre n'ya ako.

“'Di ko yata napapansin 'yong boyfriend mo”, sabi n'ya na ikina ngiwi ko. Yeah right, kapag bumibisita kasi sa akin si Lucifer hinatid-sundo n'ya ako rito sa school so kilala na s'ya ni Kuya Ernest. Kaso ilang buwan na rin namang hindi kami nag kikita so 'yon, ako’y sadyang nangungulila.

“Wala po eh, nasa Isla po”

Busy. Bakit kasi ganon? Kapag s'ya ang busy wala akong ginagawa, kapag ako ang busy s'ya naman ang walang ginagawa. Hindi nag tatama ang oras namin.

Nakaka inis.

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko nang bigla 'yon tumunog at nakita ko ang pangalan n'ya, I mean it’s— The Devil.

Nag bayad ako kay Kuya Ernest saka nag paalam. Sinagot ko ang tawag habang nag lalakad papunta sa footbridge.

(“Why didn’t you answer my calls?”)

“Naka silent 'yong phone ko kanina. Nag pasa ako ng requirements”

(“Why didn’t you call me back?”)

“Wala akong load pantawag Lucifer”, inis kong sabi dahil para s'yang batang iniwan ng Nanay.

(“Sana nag chat ka, there’s a messenger app Jianna”)

“Ah talaga? Hindi ko alam”, sarcastic kong sabi at napa irap pa. Narinig ko ang pag buntong hininga n'ya pero wala naman sinabi. Pikon talaga.

“Pupunta ako sa office ni Ms. Fiona ngayon”, sabi ko.

(“And?”)

“I told you, may ipa-publish uli akong libro”.

'Di n'ya ba naalala 'yong sinabi ko. Pang lima ko na 'yon pero parang wala lang s'yang paki alam.

(“Ingat”)

Napatigil ako sa paglakad at napanganga.

Gumaganti ba s'ya? Kelan pa s'ya natuto no'n? Bakit ang sakit sa dibdib kapag s'ya 'yong nagiging cold?

“O-Okay”, sagot ko at pinatay na lang ang tawag dahil wala na akong masabi.

Bakit parang wala s'yang pake sa’kin? A-ayaw n'ya na ba sa’kin? No, no, no, I’m  just overthinking. Right? Hehe, overthink lang.

Pag dating ko sa office ni Ms. Fiona —manager namin— ay agad ding nag simula ang meeting at ang pag sign ko ng kontrata.

Bago kami mag simula, sinilent ko 'yong phone ko para 'di maka istorbo kung may demonyo mang tumawag, baka mapagalitan pa ako.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon