Chapter 18
Umaga na, no— alam kong tanghali na pero natatamad akong bumangon. Wala ako sa mood. Nakarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto ko.
“Jianna, baby? Wake up, it’s already late”, rinig kong sabi nya mula sa labas. Umirap lang ako at ipinikit ang mata. Niyakap ko ang unan at huminga ng malalim. Naka rinig uli ako ng katok kaya padabog akong bumangon at nag hilamos sa banyo. Natatamad akong lumabas ng kwarto kaya marahas ko 'yong binuksan at nilagpasan sya. Dumeretso ako sa kusina at kumain ng pagkaing naka hain sa lamesa.
“Good morning”, bati nya at hinalikan ako sa noo pero 'di ko sya pinansin. Binilisan ko ang pagkain ko at inilagay ang pinggan sa lababo. Naramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko pero tinapik ko 'yon at inirapan sya.
“Jianna..”, tawag nya sa akin na mas lalo kong kina irita. Tanghali na ah, bakit 'di pa sya pumapasok sa trabaho nya? Ba’t 'di pa sya umaalis?
Hinigit nya akong muli at niyakap mula sa likuran. Inalis ko ang braso nya.
“Bitawan mo ko!”, maktol ko at tinulak sya palayo.
“Fine! Dun ka sa lalaki mo!”, inis nyang sigaw sa akin kaya napa nganga ako. Nag walk out syang naka kunot ang noo at pumunta sa salas. Galit ako tapos magagalit din sya? Ahh sumasapaw? Pwede bang ibang sapaw na lang gawin nya para bati na kami? Hehe joke lang. Bahala sya d'yan.
Wala syang karapatan na magalit, ako rin naman. Parehas lang kami kaya bahala sya.
Pumunta ako sa salas para pumunta sa front door. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin. 'Di pa ako nakaka labas ay nag tanong sya.
“Where are you going?”
“Sa lalaki ko!”, inis kong sagot at tuluyang lumabas. Pumunta ako sa garden at diniligan ang mga halaman na katatanim ko lang nung nakaraang araw. Maya-maya ay nakita ko syang lumabas ng bahay, naka pang lakad syang damit. Luminga-linga sya at nag tama ang mata namin.
“Saan ka?”, tanong ko.
“Kay Amie, may gagawin kami”, cold nyang sabi at pumasok sa kotse nyang naka parada. Umalis sya at iniwan ako rito. Ahh Ganon? Okaaayyy. Ingat sana s'ya at 'wag na rin bumalik. Doon na sya sa Amie n'ya!
Dumating ang hapon na wala pa rin akong magawa. Habang naka tingin sa kisame ay may nakita ako. May lawa. Mukha na palang pang Halloween ang bahay.
Tumayo ako at hinanap ang walis. Pinaspasan ko ang kisame at nag linis ng buong bahay. Nang matapos ako sa salas ay pumunta naman ako sa kusina. Bago ako mag linis ay nag luto muna ako ng pang hapunan. Sinarapan ko talaga para pag uwi nya ay makipag bati na ako. Ayoko na, nakaka sawa rin pa lang mangaway.
Alas syete na ako natapos sa kusina. Luto na lahat ng pagkain at napalitan ko na rin lahat ng dapat palitan doon. Pumunta naman ako sa kwarto ko para mag linis. Habang nag lilinis ng kwarto ay sumasabay ako sa kanta ng tugtog sa cellphone ko. Kaso napatigil ako nang mag ring 'yon. Agad ko 'yong kinuha at sinagot nang makitang si Lucifer yun.
“Hmm?”
(“Baka hindi ako maka uwi ng maaga, 'wag mo na akong hintayin. Kumain ka na”), cold nyang sabi na ikinasimangot ko. Ay at ano? Kasi kasama nya yung anak ni Mayor? Hmp! Bahala sya, yun ang kainin nya.
“Nag luto pa naman ako”, bulong ko at ngumuso pa. Wala heh, nag tatampo ako. Naka rinig ako ng malalim na pag hinga mula sa kabilang linya kaya nahimasmasan ako at napagtantong may kausap pa pala ako.
“Ahh okay, sige”, balewala kong sabi at pinatay ang tawag. Pinang gigilan ko ang phone ko at binato yun sa kama.
Nakaka inis! Minsan na nga lang ako gumawa ng mabuting bagay para sa ibang tao tapos masasayang lang. Bwesit talaga. Nakaka inis, kahit wag na lang syang umuwi hanggang bukas.

BINABASA MO ANG
GAP SERIES: DRAYTON
Romance"Let go of the past, focus on your present. Focus on me, Lucifer" A story about a man who is afraid to take a risk and a girl who is reckless.