CHAPTER 7

159 2 1
                                        

Chapter 7

Masakit ang katawan ko nang magising ako. Nagugutom rin ako dahil ‘di ako naka kain kahapon dahil sa inis ko.

Bumangon ako at pumunta sa banyo para mag hilamos. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Wala sya dun na nakasanayan ko. Siguro ay tulog pa sya.

Kumuha ako ng itlog at tocino sa ref saka inihanda ang pag lulutuan ko. Napatigil ako sa pag basag ng itlog nang makita syang papasok ng kusina. Wala syang pang itaas na damit, magulo ang buhok nya at naka kunot ang noo. Napatingin sya sa akin at agad akong nilapitan.

“Let me”, sabi nya at inagaw sa akin ang itlog. Hinayaan ko na lang sya saka gumilid para makapag luto sya. Hindi ko sya inimikan kahit na napapatingin sya sa akin na parang may gustong sabihin. Nag iwas lang ako at kumuha ng pinggan at kubyertos. Umupo ako sa stool at hinintay na matapos ang niluluto nya. Sabay kaming kumain pero wala paring imikan. Ayaw ko syang kausapin baka masungitan ko lang sya at mag away kami.

“Can you come with me?”, bigla nyang tanong kaya napalingon ako sa kanya.

“I want to go for a hike and visit the Seville Farm”, sabi nya kaya napa isip ako. Seville Farm? Diba yun yung sabi nila magandang farm na malapit sa bayan. Malawak daw yun at maraming magandang tanawin. ‘Di pa ako nakaka punta roon pero gusto kong pumunta.

“’Kay”, tipid kong sagot sa kanya at kumain na muli. Nang matapos ako sa gawaing bahay ay naligo na ako at nag bihis, inihanda ko rin ang dadalhin ko sa pag hiking. Sabi nya kasi mag papalipas daw kami ng gabi doon. Di ko alam kung saan sya mag ha-hiking.

W-Wait, hiking? Bakit parang ibang hiking ang nasa isip ko? Ehh? Kababasa ko ‘to ng mga R-18 eh!

Habang nasa byahe papunta sa bayan ay 'di pa rin kami nag papansinan. Naka tingin lang ako sa labas ng bintana habang naka cross arm. Tahimik lang rin naman syang nag mamaneho. Maya-maya rin ay itinigil nya ang kotse sa isang gas station. Ipinarada nya yun sa maliit na parking lot na naroon. Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas nang pigilan nya ako.

“Wait..”. Lumingon ako sa kanya. Saglit syang natigililan at umawang ang bibig na parang may sasabihin.

“I.. I’m sorry”, seryoso nyang sabi at inabot ang kamay ko para hawakan. Napa lunok ako at bumilis nanaman ang tibok ng puso.

“I apologize for being so over reacting, and I’m sorry for hurting you, I didn’t mean it that way. I’m so sorry Jianna, please pansinin mo na ako”, sabi nya na ikinakurap ko. Minsan talaga naiisip ko, baka uhaw lang sya sa atensyon. Kaya siguro nya ako inaasar, gusto nya laging nasa kanya ang atensyon ko. Tss, pabida din ‘to eh.

“’Kay”, tipid kong sabi at binawi ang kamay ko. Tuluyan na akong lumabas ng kotse at huminga ng malalim. Grabe, parang gustong kumawala ng puso ko sa ribcage. Ayaw na yata sa’kin, gusto na yata sa dibdib ni Lucifer hehe.

Napailing ako sa naisip at tinulungan syang kumuha ng gamit na nasa compartment. Konti lang naman yun, bag nya at bag ko. Dito kami mag simula ng pag hiking. Sa likuran kasi nitong gas station ang daan papunta sa bundok ng Seville.

Napapa simangot ako habang nag lalakad. Nakaka pagod pero sa kanya ay parang wala lang, para lang syang nag lalakad sa patag na daan. Ganon ba sya kasanay sa pag hiking? Kasi ako, hindi. Lagi lang naman kasi akong nasa bahay. Yung school naman namin, ilang liko lang mula sa bahay. Hindi ako mahilig gumala kaya 'di ako sanay sa ganito.

Nang maka apak ako ng maliit na bato ay agad akong napakapit sa malapit sa akin para ‘di ako madulas. Nakahinga ako ng maayos pero agad ding napangiwi nang makita kung saan ako naka kapit. Sa damit nya! Sa dulo ng damit nya. Naka tingin sya sa’kin na parang nag pipigil ng tawa o ewan. Bumitaw ako at nag lakad na muli. Napa iling ako sa sarili ko at inabot ang kamay nya. Pinag siklop ko ang kamay namin at sinabayan sya sa pag lakad. Napa tingin sya sa akin at ngumiti saka muling sumeryoso ang mukha na para bang may iniisip syang napaka lalim.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon