CHAPTER 21

81 2 0
                                    

Chapter 21

“Hala, ang dilim”, usal ko at napa ngiwi nang 'di ko na makita ang dinaanan ko kanina. Nilagyan ko pa ng tanda, pinutol ko pa ang mga sanga ng puno tapos 'di ko rin naman pala magagamit. Wala pa naman akong dalang cellphone para pang ilaw.
Nag lakad na lang ako kung saan at hinawi ang mga sanga at damo na naka harang. Makikita ko naman siguro yung camping site. May apoy naman yata sila don.

“Aray!”, daing ko nang matisod ako sa ugat ng isang puno. Pinagpagan ko ang tuhod at 'di pinansin ang galos kahit masakit. Masyado nang madilim kaya iminulat ko ng maayos ang mata ko at sinanay sa dilim. Buti na lang medyo sanay ako sa dilim, palagi kasi akong umaalis sa bahay n madilim na sa tuwing nag aaway kaming tatlo nila Mama at Kuya. So nasanay na akong maglakad sa dilim, ang hindi lang ako sanay ay sa mga damo at sanga na sumasabit sa damit at balat ko. Feeling ko marami na akong sugat. May nakita akong ilaw at apoy sa 'di kalayuan, kaso 'di ko pa rin alam kung saan ako dadaan.

“Jia!”, rinig kong sigaw ng kung sino. Feeling ko si Inez yun. 'Di na lang ako sumagot, 'di rin naman ako naririnig. Hinawi ko uli ang mga sanga at halos manakbo ako nang may tumalon na palaka.

“Oh my gosh!!”, 'di ko mapigilang sigaw. Nadulas ako nang umatras ako. Ang sakit ah. Tumayo ako at hinawi ang buhok na nagulo.

“Jianna!!”, rinig ko uling sigaw ng kung sino. Sunod-sunod na may tumawag sa pangalan ko kaya sumagot ako.

“Wait! Nandito ako!”, sigaw ko at inilibot ang paningin baka may mas malinis na daan.

“Jianna! Bessy, nasaan ka ba?!”

“Jianna where the fuck are you?!”

Napa irap ako nang marinig si Lucifer. Sa lakas ng boses n'ya ay rinig na rinig sa paligid. May nakita na ako sa 'di kalayuan. I think si Amelia yun. May dala syang flashlight pero naka tayo lang at may binubulong na kung ano. Nasilaw ako nang matamaan ng ilaw na dala nya.

“Amelia! Wait!”, sigaw ko sa kanya pero 'di nya ako pinansin.

“Oh, uhm… Mux!!”, sigaw nya para tawagin si Lucifer. Pero ang akala kong tutulungan nya ako ay hindi. Pinatay n'ya ang flashlight n'ya at isinigaw ang pangalan ni Lucifer.

“Mux! Help me! I’m here!”, sigaw nya. Napa iling na lang ako at tinungo ang daan kung saan ko natatanaw ang apoy. Malapit na yun.

“Bumalik na muna tayo sa site!”, rinig kong sigaw ng kung sino at narinig kong papalayo na sila. Napa iling akong muli at sinundan sila. Ayoko namang sumigaw dahil nananakit Ang lalamunan ko. Natatakot na ako, feeling ko bawat lakad ko ay may tatalon na palaka. Malapit na ako sa site, natatanaw ko na sila.

“May dala naman yata syang phone, tawagan na lang natin”— Kuya Zack.

“Kanina ko pa sya tinatawagan, 'di sya sumasagot”— Inez.

“Sabi n'ya kanina pupunta lang sya sa sapa para mag hugas ng paa”— Ate Bea.

“Bakit kasi pumunta sya doon mag isa eh 'di n'ya naman kabisado ang Lugar. Tsaka ba’t 'di nin'yo sinamahan?!”— Amelia. Wow ah, parang 'di ako nakita kanina ah.

“'Wag na tayo mag sisihan”— Aron.

“Ako na ang mag hahanap”— Lucifer. Lumingon s'ya sa pwesto ko at nasisilaw akong nag tabon ng mata dahil sa flashlight n'yang dala.

“Jianna!”

“Bessy!”

“Tss”

Napa daing ako nang may mahigpit na yumakap sa akin. Tinutukan nya ng flashlight ang buong katawan ko at sinuri.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon