CHAPTER 26

72 3 0
                                    

Chapter 26

Nagising ako dahil sa mahinang pag tapik sa pisnge ko.

“Baby, wake up”, rinig kong sabi ni Lucifer, rinig ko rin ang tunog ng alon, nakakaramdam din ako ng tubig na tumatalsik sa paahan ko. Nag mulat ako at nakita si Lucifer na naka upo sa gilid ko, nakapatong ang kamay n'ya sa hita ko, pinipigilan ang dress ko na hanginin pataas.

“Baby, tumataas na 'yong dagat, you need to get up”, sabi n'ya at tinulungan akong bumangon. Nag inat pa ako at tamad na tumayo, muntik pa akong matumba buti na lang ay naalalayan n'ya ako.

Bumalik kami sa kubo at iniligpit ang gamit na hiniram namin, saka ibinalik ang suot namin kagabi na natuyo na dahil sa lakas ng hangin.

Kalmado na ang dagat, maaliwalas na ang paligid at mukhang wala ng hahadlang sa amin para makauwi.

Sakay ng bangka ay parehas kaming tahimik, ako ay inaantok pa habang s'ya ay nag popokus sa pag paandar no'ng bangka. Buti na lang talaga di-motor itong bangka at hindi 'yong di-sagwan, kun'di mas lalo kaming mahihirapan.

“There it is, I told you, I know how to drive a boat”, natutuwa n'yang sabi at itinuro ang dalampasigan na natatanaw namin. Kita mula rito ang resort na tinutuluyan namin. Lumingon akong muli sa kan'ya at umirap. Oo na, s'ya na ang magaling.

“Wala ka namang sinabi eh”, bulong ko at tumayo na.

Saglit pa ay naka daong ang bangka na sinasakyan namin. Nauna s'yang bumaba at tinulungan ako. Hawak-kamay na tinungo namin ang daan papunta sa resort. Tahimik ang paligid, parang walang tao. Anong nangyari dito? Umuwi na ba silang lahat?

Nang makarating kami sa lounge ng hotel ay narinig namin silang lahat na nag papanick.

“Sabi n'yo kahapon, okay lang kasi magkasama naman sila. Halos isang araw na silang nawawala!”

“What if may nangyaring masama sa kanila?”

“Oo nga, tumawag na kaya tayo ng tulong”

“Don’t  worry po, tawag na ako sa mga coast guard—”

“Wait, we’re here”, pigil ni Lucifer kay Ate Sia na ikinalingon nilang lahat sa amin. Nagulat kami nang biglang yumakap si Amelia kay Lucifer na itinulak naman agad nitong katabi ko.

“Thank God, you’re safe. Saan ka ba kasi nag punta? Pinag alala mo kaming lahat”— Amelia.

“Bessy! I thought may nangyari nang masama sa inyo. Buti na lang wala”— Inez.

“Saan ba kayo nagpunta? Sabi mo Sir dadalhin mo lang si Jia sa kabilang Isla?”— Ate Bea.

“Well, I told you guys, they’re alright. Look at them, walang kahit anong galos”— Aron.

“Ayos lang ba kayo? Wala bang nangyaring masama sa inyo?”— Mang Danny.

“Guys, we're okay. Completely fine. Pasensya sa abala at pinag alala namin kayo. Umulan kasi ng malakas kagabi at naligaw kami kaya tumigil muna kami sa isang Isla at doon nag palipas ng gabi”, sabi ni Lucifer na ikina hinga nila ng maluwag. Ang mga may ari ng resort ay abala sa pag utos sa mga staff na ipag handa kami ng makakain.

“Sir, I thought nag tanan na kayo”, natatawang sabi ni Kuya Zack at nakipag high-five kay Aron. Nag init ang pisnge ko. Napatigil silang lahat at tumama ang mga mata sa kamay naming magkahawak. Mabilis akong napabitaw sa kan'ya saka iniba ang usapan.

“Hehe, pasensya na sa abala ah. Sige po, punta lang ako sa kwarto para makapag palit na ako ng damit”, sabi ko at derederetsong tinungo ang kwarto na tinutuluyan ko.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon