CHAPTER 19

88 2 0
                                    

Chapter 19

“Baby.. baby wake up”, rinig kong sabi ni Lucifer kaya unti-unti akong nag mulat. Nakita ko s'yang naka titig sa akin habang ang kamay ay nasa balikat ko. Marahan kong inangat ang ulo ko at agad na napa ayos ng upo nang mapagtantong naka tulog pala ako. Kanina kasi, iniwan nya ako rito sa office nya dahil may meeting sya. So umupo muna ako sa swivel chair nya, at dahil inaantok ako dahil sa nangyari kagabi, umubob ako sa lamesa at umidlip. At heto… wait.

“Anong oras na?”, bulong ko at tumingin sa digital clock na nasa gilid. Napa nganga ako nang makita ang oras, alas sais na ng gabi, kaninang ala una pa kami rito. Ang haba naman ng tulog ko. At bakit ngayon nya lang ako ginising?!

“Katatapos lang ng meeting ko with Mr. Welsh. Kanina ka pa ba natutulog? Sabi ni Bea, 'di ka pa raw lumalabas mula kanina. Tinatawag ka raw nya sa intercom, 'di ka naman daw sumasagot”, sabi nya kaya napa ngiwi ako. Nakaka hiya yun.

Tinanggal nya ang coat nya at isinuot sa akin. Naka kunot ang noo s'yang yumuko at tiningnan ako sa mukha. Mabilis kong hinaplos ang mata ko dahil baka may muta o kaya ang bibig ko baka may tuyong laway. Magtatanong na sana ako nang unahan nya ako.

“Naniningkit na ang mata mo. Mukha ngang kanina ka pa natutulog. 'Di ba nanakit ang leeg o bewang mo d'yan? Dapat sa sofa ka na lang natulog. Come on”, sabi at aya nya sa akin. Hinila nya ako patayo at nag aalalang hinaplos ang leeg ko.

“Masakit ba?”, tanong nya na ikina iling ko. Naiilang syang tumawa at nag tatanong na tumingin sa akin.

“Why are you not talking? Is there a problem?”, tanong nya na ikina iling ko uli.

“Jianna—”

“I’m sorry, I just… bakit 'di mo ako ginising? Nakaka hiya kay Ate Bea, sabihin lang na ang snob ko”

“Ngayon lang ako nakabalik rito mula kanina. And it’s okay, I already told her your excuse. I told her you slept because you’re tired of what we did—”

“Lucifer?!”

“Kidding”, naka ngisi nyang sabi at tumalikod para umiwas sa akin.

“Lucifer naman!”

“I’m just kidding, I didn’t tell her that. Come on we’re going somewhere”, sabi n'ya at inaya na akong lumabas ng office nya.

“Sigurado ka?”

“I am. Come on—”

“Eh kung hintayin mo kaya ako?! Ba’t ka ba nag mamadali?!”, sigaw ko sa kanya dahil malapit na sya sa elevator at ako ay ilang dipa pa ang layo sa kanya. Huminto sya at naka ngising lumingon sa akin. Ano naman kaya ang iniisip nito?

Nang makalapit sa kanya ay inakbayan nya ako at sabay kaming pumasok sa elevator.

Habang nasa byahe ay pilit kong inaalala ang panaginip ko kanina. Nagulat ako nang biglang lumapat ang kamay nya sa hita ko.

“What’s goin on with that pretty little mind of yours, baby girl?”, tanong nya na ikina nguso ko.

“Inaalala ko yung panaginip ko kanina. So strange, parang totoo na sigurado akong hindi naman”

“Hmm? What is it?”

“Napanaginipan ko si Amelia”

“Hmm..”, sagot nya at iniliko ang kotse sa kabilang kalsada. Akala ko ba uuwi na kami, ba’t kung saan-saan pa sya pumupunta?

“Naka subsob daw ako sa lamesa mo tapos nasa harapan ko sya, naka cross arm at naka titig sa akin. Malabo yun pero alam kong s'ya 'yon. Tapos sabi nya ‘take care of him’? 'Di ko na matandaan basta ganon. Ang creepy nga eh”

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon