CHAPTER 10

90 2 1
                                    

Chapter 10

Nang matapos naming kumain ni Inez ay isinama nya ako sa 15th floor, doon sya nag tatrabaho sa Finance.

“Assistant ako ng pinsan ko, si Kuya Zac. Actually, sya ang manager dito, at minsan ay marami talaga ang gawa nya. Lalo na ngayon na may inaasikaso ngang project si Mr. Drayton”

“Buti nakapasok ka rito kahit na 16 ka pa lang”, sabi ko at umupo sa upuan nya. Nakatayo sya sa harapan ko habang inaayos ang mga papeles doon.

“Syempre, ako pa. Tsaka talagang pinapasok ako ni Dad dito para daw may experience na ako. Tsaka summer job lang naman kaya pinapasok na ako”, sabi nya kaya tumango lang ako. Iba talaga kapag mayayaman eh, summer job pero nasa isang kompanya at assistant ng manager ng finance. 'Di manlang naging intern. Nice.

Dali-dali syang pumwesto sa harapan ko at bumulong.

“Bessy, naririnig ko rin dyan mula pa nung isang araw, may girlfriend daw si Mr. Drayton?”, bulong nya kaya kumunot ang noo ko.

“E-Ewan ko. Wala naman syang sinabi sa’kin, wala din akong nakikita, hindi ko rin napapansin”, sabi ko na ikina ismid nya. Pero kung totoo man yun, eh sino naman ang girlfriend nya? Bakit ‘di ko manlang napapansin eh lagi kaming magkasama?

“Sabi kasi, nakita daw magkasama sa hospital. Tapos marami pa akong naririnig na lagi daw kasama ni Mr. Drayton”

“Hmm ‘di ko alam. Baka nga. Eh ano naman?”

“Luhh sya, aysus! Alam kong may crush ka sa kanya, kaya please lang wag ka masyadong umasa. Baka totoo yung rumors, masaktan ka. First mo pa naman ito”, sabi nya at tumayo na.

She’s right. Paano nga kung may girlfriend na sya? Eh 'di wala talagang pag asa? Paano pa pag napaaway ako dahil lagi kaming magkasama? Syempre machichismis ako nun, dignidad ko yung mawawala sa chismis na yan.

Maya-maya ay may tumawag sa kanya.

“Hala Bess, maiwan muna kita dito ah. Kailangan ako ni Kuya sa taas”, nag mamadali nyang sabi at tumakbo paalis dala ang isang folder. Kumaway lang ako kahit malayo na sya. Tumayo ako at pumunta sa elevator. Babalik na lang siguro ako sa office ni Lucifer, baka tapos na sya.

Bumukas ang elevator at may pumasok na lalaki, formal ang suot nya at may hawak syang envelope. Napatingin sya sa akin kaya nginitian ko na lang.

“Hi! I’m Ethan. Bago ka rin ba dito?”, tanong nya kaya umiling ako.

“I’m Jia. Ah hindi, may sinamahan lang ako. Ikaw?”, tanong ko. Mukha kasi syang mag aapply ng trabaho. Mukha pa naman syang bata, siguro mas matanda lang sa’kin ng ilang taon.

“Mag aapply ng trabaho, part time job”

“Ahh.. maganda kaya mag trabaho dito?”, tanong ko uli.

“Siguro, madami kasing nag sasabi na maganda daw dito. Tsaka hiring naman sila kahit anong edad at natapos. So magandang opportunity na rin”, sabi nya na ikinatango ko. Bumukas ang elevator at nagpaalam na sya.

Maya-maya rin ay makarating na ako sa 25th floor. Sakto namang paglabas ni Lucifer sa office nya dala ang bag ko. Kibat nya yun sa balikat nya kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para iwasang matawa. Mukha syang bading HAHAHA.

“Hey”

“Uuwi na tayo?”, tanong ko at sumunod sa kanya pabalik sa elevator.

“Yeah. Alas kwarto na, napatagal yung meeting, nagkaroon ng konting problema”, sabi nya at pinindot ang ground floor. Kukunin ko na sana ang bag ko sa kanya pero pinigilan nya ako. Wala akong nagawa kundi ang manahimik. Nang makarating kami sa ibaba ay kitang-kita agad ang mga taong busy sa kani-kanilang ginagawa.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon