CHAPTER 32

101 3 2
                                    

Chapter 32

Nakapikit kong inabot ang phone kong kanina pa tumutunog. Sinagot ko 'yon at inilagay sa tabi ko.

("Baby?")

"Hmm?"

("Good morning. Sorry for calling late, I visited the farm early this morning")

"Hmm", inaantok kong sagot at inayos ang kumot ko.

("Are you still sleeping?")

"Hmm"

("What the-get up already")

"Hmm.. 'yoko pa", reklamo ko at naiinis na pumadyak. Bakit ba lagi na lang s'yang bossy? Hindi n'ya naman ako utusan!

("Jianna Vicente-Drayton, get up! It's already nine in the morning, you'll be late"), sabi n'ya na ikina mulat ko. Napa tingin ako sa orasan at ilang beses na napa mura nang makita ang oras. Nine-twenty na, late na ako.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Tanga naman, late na ako!", angal ko sa kan'ya at dali-daling bumangon.

Tinakbo ko ang banyo dala ang phone ko, nilagay ko 'yon sa 'di mababasa at agad na binuksan ang shower.

"Gago ang lamig!", sigaw ko pero patuloy lang sa pag ligo.

("Stop cursing Jianna"), rinig kong sabi n'ya sa kabilang linya. 'Di ko 'yon pinansin at patuloy lang sa pag ligo. Nang matapos ay lumabas ako ng banyo at agad na nag hanap ng damit.

"Nasaan na 'yong pesteng damit ko? Tangina naman eh, late na ako. Saan ko ba nilagay yun bwesit na 'yon?!"

("Jianna, your mouth!"), saway n'ya uli na ikina irap ko.

"As if you can punish me?", naka ngisi kong sabi kahit na 'di n'ya naman ako kita. I can imagine his mad face right now.

("I can. Actually, I'm counting all your offense so that when we meet again, I can punish you"), sabi n'ya na ikina nganga ko. 'Di na lang ako sumagot dahil alam kong wala akong kawala sa kan'ya pag nangyari 'yon.

Tahimik akong nag damit, nag suklay at nag hanap ng pagkain sa ref habang pinapakinggan ang mga pinag sasabi n'ya na wala naman akong pake alam. I mean, I do care about his farm and house but 'di ko naman alam kung paano asikasuhin ang ganong business and I don't want to know. Sapat na sa aking malaman na okay s'ya at hindi s'ya stress sa trabaho n'ya.

Nilock ko na ang pinto ng condo unit na tinutuluyan ko saka pumasok sa elevator. I still have thirty minutes, katapat lang naman ng condominium ang school na pinapasukan ko so, tatawid lang ako ng footbridge tapos nandon na ako. Easy.

Kaso, dahil mabagal ako, nalate pa rin ako sa first subject. Buti na lang mabait ang teacher namin dito kaya 'di ako napagalitan, pinag recite lang.

It's been years. Parang kailan lang, isa akong sixteen years old na stress kakaisip kung paano ako hahanap ng pera para makapag aral kahit ayaw kong mag aral, ngayon.. heto, isa na akong twenty two years old college student sa isang private school— pero tamad pa rin mag aral, lalo na ngayong malayo 'yong bebeloves ko.

Ang tagal naman kasi ng graduation. Pagod na pagod na akong mag aral. Apat na taon na ganito ang sitwasyon namin, nag kikita lang kami in person tuwing bakasyon o kaya kapag may okasyon.

Well, kasalanan ko rin naman. I chose this, I chose this situation. Four years ago, matapos kong grumaduate ng senior high school, nahirapan akong mag desisyon kung mag aaral pa ba ako o 'wag na. Then tinanong ako ni Mama kung anong dahilan ko kung bakit ayaw ko mag aral.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon