CHAPTER 4

83 1 1
                                    

Chapter 4

Nagising akong kulang sa tulog dahil sa mga nangyari kahapon. Hindi ako maka tulog ng maayos kagabi, late na ako naka tulog at nang matulog naman ako ay sya ang nasa panaginip ko kaya halos mabaliw na ako.

Nag hihikab akong naligo at nang matapos ay nagbihis ng kahit anong damit na nakita ko. Isa pa ito sa nakapag papuyat sa akin, tama nga sya sa sinabi nya noon. Ibibigay nya sa akin lahat ng pangangailangan ko dahil kumpleto lahat ng gamit na kailangan ko. Mula sa damit hanggang sa mga simpleng gamit sa school. Halos ibigay nya na sa akin ang lahat.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina pero nang makarating ako doon ay natisod ako kahit patag naman ang sahig. Kasi naman, sinong ‘di matitisod kung puyat ka na nga tapos bigla kang makaka kita ng gwapong lalaki na nag luluto sa kusina. And take note, topless sya!! Topless! Haaaa!! Nakaka high blood. Lumingon sya sa akin at kumunot ang noo, may hawak syang sandok kaya mas naging cute sya sa paningin ko.

“Are you okay?”, tanong nya kaya agad akong umayos ng tayo. Dumeretso ako sa lamesa kung saan ay mayroong tubig.

“Oo naman, hehe”, ilang kong sabi at uminom ng isang basong tubig. Bottoms up. Hah! Grabe! Ang aga-aga, ang init ng panahon.

“Namumula ka, may sakit ka ba?”, tanong nya muli at lumapit sa akin kaya na alarma ako. Ah shit! May shinning, shimmer, splendid abs. At mas lalong nakapag pagwapo sa kanya yung mga tattoo nya sa katawan. Ugh, ang hot!

“W-Wala! Ahm.. m-mag damit ka nga!”, sabi ko at tumalikod sa kanya habang hawak ang pisnge.

“Oh, I’m sorry”, rinig kong sabi nya at maya-maya ay sinabi nyang okay na pero naiilang pa rin akong tumingin sa kanya.

Umupo na lang ako sa lamesa at binuksan ang phone ko para libangin ang sarili ko at para na rin iwasan sya. Ang mas nakaka ilang pa ay kaming dalawa lang ang nandito sa bahay na ito, kagabi ay umalis na rin si Mang Danny. Tinanong ko sya kagabi kung bakit kailangang samahan nya ako rito, sabi nya ay kasi daw may tinatrabaho sya sa bayan, para daw malapit lang ang tinutuluyan nya. Tapos tinanong ko rin kung anong trabaho ko sa kanya, hindi nya naman ako sinagot. Madami akong tanong sa kanya kagabi habang kumakain kami pero konti lang ang sinagot nya at walang ginawa kun’di ang tumitig sa akin. Kaya ayun, napuyat ako kakaisip sa mga mata o titig nyang nakaka tunaw.

“Earth to Jianna”

“H-Ha?”. Napa kurap ako at lumingon sa kanya. Nilapag nya ang isang pinggan na puno ng ulam sa lamesa. May hotdog, itlog, tocino at gulay doon.

“Wala”, sabi nya na lang at inaya na akong kumain.

Sabi, magtatrabaho daw ako sa kanya eh bakit parang ako pa ang pinag sisilbihan nya? Hatid-sundo nya ako, at binigayan ng maraming gamit. Ganon ba sya kayaman para gawin nya yun?

Inaantok ako habang naka upo sa isang bench. Sa isang araw na ang moving up namin at ngayon ay wala na kaming ginagawa. At kahit na alam kong may scholarship na ako ay inaalala ko pa rin ang pag pasok ko sa Senior High School. Sigurado akong maraming gastusin yun, at may thesis na dun. Sana naman ‘di ako mahirapan.

“Jianna, my best friend!”, rinig kong sigaw ni Inez at tumabi sa akin.

“Hmm?”

“Kwentuhan mo ako, tungkol sa inyo”

“Huh? Nino?”, takang tanong ko dahil baka may nasagap nanaman syang chismis na ikakasira ng pangalan ko. Nangyari na kasi yun sa’kin nung grade 8 kami. Chinismis ba naman ako ng kabilang section na nilalandi ko daw yung jowa nya eh yung jowa nya nga ang sunod ng sunod sa’kin at lagi akong nililibre. Eh syempre, ‘di ko yun tinatanggihan, libre yun eh tsaka sayang yung effort nya sa pag bili. Issue na yun ng babae na ‘di sya marunong ng tamang pag iisip, pangit ng mindset nya. Masyado syang selosa.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon