CHAPTER 23

90 2 3
                                    

Chapter 23

Sumapit ang hapon at wala pa rin sila. Dumaan na rito sa cottage sila Mang Ino kanina pero sila Lucifer ay wala pa rin.

Tumayo ako at inaya si Inez. Nag tataka s'yang naglakad kasabay ko papunta kung saan. Tumigil ako nang malayo na kami sa cottage, nasa likod kami ng malaking bato. Umupo ako sa buhanginan at gumaya naman s'ya.

“Hey, what happened? Are you okay? Bessy?”

“’D-Di ko alam”, nauutal kong sagot at yumakap sa kan'ya. Hinaplos n'ya ang likod ko kaya mas lalo akong naiyak.

Ayokong mag breakdown sa harap ng kahit na sino pero ngayong sobrang sakit ng nararamdaman ko na halo-halong bagay ang pumapasok sa isip ko 'di ko maiwasang umiyak sa kan'ya. 'Di ko maiwasang mag sumbong sa best friend ko na una pa lang ay binalaan na ako. Kwenento ko sa kan'ya ang lahat-lahat, nalimutan ko na 'yong rules ko sa sarili ko na ‘wag ishare sa kahit kanino ang mga personal kong impormasyon. Dahil sa nararamdaman ko ay nasabi ko sa kanya lahat, maliban na lang sa ibang detalye.

“Naiinis na ako sa Amelia na yan ah, sasabunutan ko na tagala sya!”, inis n'yang sabi sa akin na agad kong sinuway, baka may maka rinig.

“Alam mo, nakikita ko naman na gusto ka talaga ni Mr. Drayton eh—”

“Hindi nga, pakitang tao n'ya lang 'yon!”, galit kong sabi at napa hikbi uli.

“No, I’m sure Bessy. May gusto s'ya sa'yo, natotorpe lang. And it’s kinda complicated..”

Complicated naman talaga. Halos kaedad na s'ya ng Mama ko, kaibigan s'ya dati ni Mama. Dapat nga Tito ko na s'ya eh. Pero heto at nahulog ako sa bitag n'ya. Nangako pa naman ako kay Mama na 'di ako masasaktan. Sabi ko kay Mama, I play well pero..

“Wait, ikaw si Jianna Vicente diba?”, tanong n'ya na ikina taka ko. Nababaliw nanaman ba s'ya? Naka inom na ba s'ya ng gamot?

“Oo malamang”, sagot ko habang pinupunasan ang luha ko.

“Ikaw si Jianna Vincente. Ikaw 'yong babaeng 'di nagpapatalo. Ikaw 'yong 'di agad sumusuko. Ikaw 'yong kapag napagtripan, gumaganti ng mas malala. Ikaw 'yong 'di nagpapaaway sa kahit sino. Ikaw 'yon, hindi ka si Jianna lang”, sabi n'ya na ikinatulo uli ng luha ko. Mukhang dahil sa pagkakahulog ko sa kan'ya, nalimutan ko na kung sino ba talaga ako.

“You’re not that simple Jianna, they know. You’re my innocent bitch”, sabi n'ya at inayos ang buhok ko. Tumango ako at ngumiti.

“Come on, ipamukha mo sa kanila na 'di ka naapektuhan sa nakita mo kanina”, sabi n'ya muli saka ako hinila patayo papunta sa cottage nila. Kung si Inez ay matalak at palaaway, ako hindi. Pero pasimple akong gumaganti, sa parang tatagos talaga hanggang kaloob-looban ng damdamin nila. Kaya 'wag nila akong susubukan.

Nag iinuman sila. Nang makita ako ni Aron ay tinawag n'ya ako. Lumapit ako sa kan'ya at doon umupo. Binigyan nila ako ng alak at pina inom. Tinanggap ko 'yon, ininom at naki saya, kinalimutan ang hinanakit sa kung sino mang mga tao sa paligid. Nakita nila ang pamumula ng mata ko, pero agad na sumabat si Inez, sinabing namimiss ko lang daw si Mama. Which is totoo rin naman, kung nasa kan'ya lang ako ngayon, 'di ako nagkaka ganito. Miss ko na sila ni Kuya. At marami s'yang kailangan ipaliwanag sa akin.

Ininom ko na lang lahat ng sakit na naramdaman ko. Nahihilo na ako, umiikot na ang paningin ko. Nakikita kong umiiyak na si Ate Ba habang may pinag sasabi kay Kuya Zac, si Aron naman ay inalalayan si Inez habang nag susuka sa gilid. Natawa ako sa kan'ya at muling uminom. Mga mahihinang nilalang.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon