CHAPTER 28

87 2 2
                                    

Chapter 28

Nagising ako dahil sa mabangong amoy ng ulam. Nagutom ako bigla kaya excited akong bumangon at pumunta sa kusina. Nakita ko si Lucifer na nag luluto.

As usual, the hot topless man in the kitchen.

Kay ganda ng umaga kapag ganyan ang masisilayan mo.

Dumeretso ako sa lababo para mag hilamos at mag mumog. Napa tingin ako sa kan'ya nang 'di n'ya ako pinansin. Teka may napansin ako.

Napatingin ako sa mukha ko sa salamin na nakadikit sa itaas ng lababo. Then tumingin muli ako kay Lucifer. Lumapit ako sa kan'ya at sinundot ang pisnge n'ya. Kunot-noong lumingon s'ya sa’kin.

“What are you doing? Mag punas ka ng mukha mo”

“Siguro may iniinom ka ‘no?”

“Huh? Anong iniinom? Tubig, alak, juice at kape lang iniinom ko”

“Weh? Bakit ang baby face mo pa rin kahit thirty two ka na? Tapos ako na mag e-eighteen pa lang parang nasa twenties na ang mukha”

“Tss. Ano nanamang trip mo ngayon? Mag rarant ka na pumapangit ka na?”, natatawa n'yang sabi kaya napa irap ako at sumimangot. Bumalik ako sa kwarto at nag punas ng mukha. Pag balik ko sa kusina ay tapos na s'yang mag luto, inihahain n'ya na 'yon sa lamesa. Umupo ako at pinanood s'ya.

“Nasaan pala si Mama? Wala ba si Kuya?”

“Nasa likod-bahay si Mama. Si Izaac naman ay nasa trabaho na”

“Sino?”, natatawa kong tanong sa kan'ya.

“Si Izaac? Kuya mo?”

“Hindi, 'yong isa”

“Si Mama”, natatawa n'yang sabi habang nag titimpla ng kape.

“Mama ka d'yan HAHAHA”

“'Di ako komportableng tawagin s'yang ganon. She’s just two years ahead of me. Para lang kaming mag tropa nito”, sabi n'ya at natatawa nanamang lumingon sa’kin. Tinawanan ko lang s'ya at napa tingin sa kapit-bahay nang may nakita akong dumaan sa gilid ng bintana. Tita Eula.

Hmm mang ja-judge nanaman 'yan. Wala na yata s'yang magawang mabuti sa buhay n'ya. Hayaan na nga, wala rin naman ako sa mood makipag sagutan sa kan'ya.

“Here’s you coffee. Kumain ka na hangga’t mainit pa”, sabi n'ya at pinag sandok ako. Dumating si Mama na may dalang mga gulay na nasa basket. Galing nanaman yata sa garden n'ya.

“Ma!”

“Hmm?”

“Anong itatawag sa'yo ni Lucifer? Parang ang iba naman pakinggan kung tatawagin ka n'yang Tita o Mama eh konti lang naman ang agwat ng edad n'yo”, sabi ko na ikina sama ng tingin sa’kin ni Lucifer.

“Anong itatawag? Pangalan ko. Ano bang tinatawag mo sa’kin dati Mux? Wala namang mag babago do'n. Relasyon n'yo 'yan, relasyon natin ‘to. Mag kaibigan tayo diba?”

Sa sobrang tagal ng panahon, 'di ko na tuloy alam kung may galit pa ba si Lucifer kay Mama, yong about sa kasalanan daw kuno.

“Dati 'yon. Magiging manugang mo na ako soon”

“'Wag kang nag mamadali, bata pa ang anak ko”, sabi ni Mama habang masama ang tingin kay Lucifer.

“Mag e-eighteen na s'ya”

“And so?”

“Syempre, pwede nang pakasalan”.

Nag init ang pisnge ko kaya para itago 'yon ay uminom ako ng kape kaso ang init naman. Napaso lang tuloy ang dila ko

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon