Chapter 11
Nag mulat ako ng mata nang maramdaman ang init na tumatama sa mukha ko. Nasisilaw akong nag iwas at tuluyang gumising, inalala ang nangyari kahapon.
Nakapag desisyon akong mag move on sa nararamdaman ko sa kanya, naglaba ako, pumunta kami sa kompanya nya, nagalit sya dahil yumakap sa'kin si Gino, nag away kami, umuwi, umuwi syang lasing, hinalikan nya ako-sa labi, sa leeg at sa dibdib, hinawakan nya ang dibdib ko, umasa nanaman ako sa nararamdaman ko, natulog ako. W-Wait, wait what?!
Hinawakan nya ang dibdib ko kagabi? Ang dede ko na laging pinopoint out ni Inez, hinawakan ng isang Lucifer Muxeous Drayton?! At hinalikan nya ako, gumanti ako, nagpahawak ako sa kanya? In short, nag make out kami! Halaaaa!!!
Nagmamadali akong bumangon at pumunta sa banyo para maligo. Nang matapos ako ay nagbihis ako ng simpleng damit. Habang nag susuklay sa harap ng salamin ay napatigil ako. Inaninaw ko ng maayos ang leeg ko at sinalat yun. Napanganga ako sa nakita at nag init ang mukha. May hickey ako sa leeg. Shit!
Wala ako sa sariling pumunta sa kusina at binuksan ang ref para kumuha ng malamig na tubig. Ang init ng pakiramdam ko, feeling ko sobrang nakakahiyang humarap sa kanya ngayon. Pero lasing naman sya kagabi diba? Baka naman wala syang naalala, sana nga wala.
Uminom ako ng tubig.
"Why are you covering your neck with your hand? May stiff-necked ka?", tanong nya na ikinagulat ko. Lumingon ako sa kanya, nasa tapat sya ng stove, may hawak na sandok. Kanina pa sya dyan?
"Good morning. What happened to your neck?", bati nya at ngumiti. Topless sya at naka grey na jogging pants sa ibaba, ba't parang may bakat? Napalunok ako nang maalala yung nangyari kagabi. Bakit sya nagtatanong? 'Di nya talaga naalala? Hehe sana nga talaga.
"W-Wala", tanggi ko at naiilang na nag iwas ng tingin.
"Tss. Don't be embarrassed about it", sabi nya at pinatay ang stove. Lumapit sya sa'kin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"I know I put hickey there last night", sabi nya na ikinanganga ko. Naalala nya?! Nakakahiya! Tinabunan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.
"Jianna baby-"
"Shut up!", angal ko at tumalikod sa kanya habang naka tabon pa rin ang mukha, nakapikit rin ako ng mariin dahil sa kahihiyan. Paano ko sya haharapin ngayon?! Nagpalagay ako ng hickey kagabi, magpadala ako sa karupukan ko!
"Baby". Halos mawalan ako ng hininga nang maramdaman ang braso nyang pumalibot sa akin. Ramdam ko ang init ng hubad nyang katawan sa likuran ko.
"Did I scare you last night?", marahan nyang tanong at hinawakan ang kamay ko para ibaba. Umiling ako bilang sagot.
"Nababastos na ba kita? Did you feel like you're being molested?", tanong nya na ikina iling ko uli.
"Are you sure?", tanong nya kaya humarap na ako sa kanya. Umiling ako.
"Gagawin mo yun tapos tatanungin mo ako ng ganyan? Nababaliw ka na ba?"
"What? I'm just asking. Ayaw kong lumayo ka sa akin dahil sa mga 'di ko magagandang kilos", sabi nya at hinaplos ang pisnge ko.
"Hindi naman ako nababastos. Ewan ko kung bakit", honest kong sabi sa kanya.
"I'm sorry for shouting at you yesterday, I was mad. But I'm not, I will never be sorry for that guy who fuckin' hugged you. Tss, I really want to do something with him", nanggigigil nyang sabi.
"Pero 'di mo naman gagawin diba?", tanong ko na ikina iling nya.
"I won't... unless he do that again", naka ngisi nyang sabi na ikina iling ko.
BINABASA MO ANG
GAP SERIES: DRAYTON
Romance"Let go of the past, focus on your present. Focus on me, Lucifer" A story about a man who is afraid to take a risk and a girl who is reckless.