Chapter 34
“Sabi n'ya one week lang?”, pabulong kong tanong sa sarili ko habang naka tingin sa phone ko na sobrang tahimik dahil 'di manlang s'ya tumatawag.
Nabitawan ko ang kutsara ko nang bigla 'yong tumunog hudyat na may tumatawag. It’s Kuya.
Dismayado ko 'yong sinagot at nakita ang pag mumukha n'ya. Nasa trabaho s'ya. Nag tatrabaho s'ya sa farm ni Lucifer, isa s'ya sa mga nag checheck ng mga stocks.
“Zup baby girl”, bati n'ya na ikina ngiwi ko. Matatanggap ko lang kung si Lucifer ang tumawag sa'kin ng ganyan.
“Hi”
“Ba’t ang tamlay ng bunso ko na 'yan? Masyado mo na miss si Kuya Mux 'no?”
“Ano ba kasing ginagawa n'ya d'yan at 'di manlang s'ya maka tawag?”
“Busy sya. May inaasikaso”
Bad trip kong tinapos ang pagkain at mas lalo lang sumama ang mood ko nang magpaalam sa akin si Kuya dahil tumatawag daw 'yong girlfriend n'ya.
I don’t really like his girlfriend. Hindi kami close at ayokong makipag close sa kan'ya. I just don’t like her, that’s all.
Pero wala naman akong magagawa kasi s'ya ang gusto ng Kuya ko. Pero subukan n'ya lang lokohin 'yong Kuya ko, ako ang makakabangga n'ya.
Huminga muna ako ng malalim at ngumiti bago pumunta sa mini stage na nasa gilid mg bookstore sa isang mall.
Opening event 'to ng isang bookstore at napili nila akong guest para sa book signing, for promotion na rin ng store nila.
This is it, my dream came true.
Hindi man ako naka attend sa book signing event ng mga favorite author ko, narito naman ako sa sarili kong book signing event.
Actually, I really don’t like this. Oo dati, pinangarap ko na maging sikat na author at mag karoon ng sariling book signing event pero ngayong nandito na ako, at sobrang daming tao ang nasa harapan ko at naka tingin sa akin, may mga camera pa, feeling ko hihimatayin ako.
Nakakahiya, nag kikick-in 'yong introvert side ko.
Tumikhim muna ako at saka mahinang tinest ang mic. Kailangan kong maging active, balak ko pang maging journalist. Hindi dapat ako mahiya.
“Hi! Good evening”, simula ko at ngumiti, pasimple ko pang kinagat ang pang ibaba kong labi para maalis ang kaba.
Sana pala hindi ko na lang sinang ayunan tong event na to. Okay naman na ako sa mga feedbacks nila sa online.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, nag babakasakaling makita s'ya pero kahibangan 'yon.
Five days from now graduation na namin tapos wala manlang paramdam 'yong demonyo kong fiancé.
Konting entertainment speech at pagpapakilala, hanggang sa dumako na kami sa question and answer portion ng event.
Marami silang naitanong tungkol sa akin at sa mga novels ko.
'Yong iba ay hindi ko sinasagot ng maayos kapag medyo private life na like about life and relationship.
Hanggang sa matapos 'yon at nag simula na akong pumirma ng mga libro.
Naka ilan na akong libro nang mapa tingin ako sa pila. Ang dami pa nila, mayroon pa sa labas ng store. Tapos 'yong iba nag papa picture pa.
Napapagod na akong pumirma at ngumiti, nagugutom na ako, gusto ko na matulog pero kailangan ko pang tapusin to.

BINABASA MO ANG
GAP SERIES: DRAYTON
Romansa"Let go of the past, focus on your present. Focus on me, Lucifer" A story about a man who is afraid to take a risk and a girl who is reckless.