CHAPTER 31

108 3 3
                                        

Chapter 31

Napa hikab ako habang nag luluto ng umagahan namin ni Lola. Maaga akong gumising para mag luto dahil nagugutom na ako. 'Di ako naka kain kagabi dahil wala akong gana tsaka madami akong ginawang project. Deadline na kasi sa Wednesday, matagal na ‘yon pinapagawa pero dahil tamad ako, ayan nag cramming nanaman. Mas nakaka gana naman talaga gumawa ng project kapag malapit na ang deadline.

Nang matapos ang pag sangag ko ng kanin ay 'di ko na hinintay si Lola na magising para kumain. Nauna na ako dahil gutom na talaga ako.

Nangangalahati ako nang lumabas s'ya ng kwarto n'ya.

“’Yan, 'di ka kasi kumakain ng hapunan”, sabi n'ya na 'di ko na lang pinansin. Sa kan'ya nga siguro nag mana si Mama. Kaaga-aga nag sesermon agad. Sayang lang dahil bata pa ako nang pumanaw si Lolo.

“Tumawag si Mama mo kani-kanina lang. 'Di ka ba daw uuwi sa bahay n'yo? Oo nga, wala ka bang balak mag handa? Debut mo na ngayon ah”, sabi n'ya habang nag titimpla ng kape.

Napa tigil ako sa pag subo nang maalala kung anong date na. Birthday ko pala ngayon. 18th birthday ko pero wala manlang akong plano. Tsaka, normal day lang naman sa akin Ang birthday ko. Kung mag hahanda naman, 'di ko rin naman feel dahil wala pa rin ako sa mood makisalamuha ngayon. I don’t feel like talking and smiling to other people.

“Ano? Uuwi ka ba ngayon?”, tanong ni Lola na nag pabalik sa diwa ko.

Imagine, uuwi ako sa bahay tapos makikita ko 'yong mga taong walang ginawa kun’di mag tago sa’kin ng mga bagay na dapat kong malaman.

“Hindi po. Ayoko”, walang gana kong sabi at tinapos ang pagkain. Matapos kong mag hugas ng pinag kainan namin ni Lola ay tumambay ako sa salas at nanonood ng palabas sa TV.

Napa tingin ako kay Lola na nasa dulo ng sofa. Nanonood din sya habang may ginagantsilyo nanaman na tela.

Napa buntong hininga ako at umunan sa hita n'ya saka nag lalambing na yumakap. Naramdaman ko ang pag tigil n'ya sa ginagawa saka ang kamay n'ya na lumapat sa braso ko.

“Tama na kasi, patawarin mo na ang Mama mo at si Muxeous. Mahal ka lang no'n kaya ayaw nilang sabihin sa'yo”, sabi n'ya na ikina tawa ko ng peke.

Mahal? Ang sakit nila mag mahal.

“Gusto mo bang sabihin ko sa'yo ang dahilan nila?”, tanong n'ya na ikina tingin ko sa kan'ya.

“Mababawasan ba 'yong inis ko sa kanila kapag nalaman ko 'yong dahilan?”

“Hmm.. pwedeng oo, pero pwede ring hindi. Nasa sa'yo naman 'yon kung paano ka mag rereact sa ikukwento ko. Basta nandito lang si Lola, okay?”, masuyo n'yang sabi kaya kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang pag hikbi.

“Hmm ‘kay”, bulong ko at yumakap uli sa kan'ya.

“No'ng araw, nag tatrabaho kami ng Lolo mo sa pamilyang Drayton. Mabait ang pamilya nila at may malasakit sa mga nasa paligid nila. Ako ang dating nag sisilbing mayordoma sa mansyon nila habang ang Lolo mo ay driver ni Sir Lex— tatay ni Mux. Nang mag dalaga ang Mama mo, sumasama na s'ya sa'min para tumulong sa mga gawain sa bukid dahil medyo kulang sa tao at gusto n'ya rin kumita para sarili. Doon din nag simula ang pagkakaibigan nila ni Muxeous”

Sa tuwing naririnig ko ang kwento na 'yan, 'di ko maiwasang mag selos. 'Di ko alam kung bakit, o baka alam ko, 'di ko lang maamin sa sarili ko. Maybe because I’m so insecure na kahit mismong magulang ko ay pinag seselosan ko.

Sino naman kasing hindi, I mean, they grew up together and she is his first love. It’s … it’s  something to jealous for. Tss.

“Noon, palaging pinag papares sila Mux at Amie ng mga magulang nila bilang biro sa mga bata. Tapos nang malaman nila na may gusto si Mux kay Ivy, sinuportahan nila 'yon, palaging sila na ang inaasar sa isa’t isa. Natatandaan ko pa, palaging sumisiksik sa akin si Ivy dahil sa hiya sa tuwing inaasar sila ng mga magulang ni Mux. Isang araw, tinanong ko si Mux tungkol doon. Biniro ko s'ya kung may balak ba s'yang ligawan ang anak ko. Umamin naman s'ya sa’kin. Sabi n'ya oo daw, meron daw, umamin na daw sya kay Ivy ang kaso, may ibang gusto ang anak ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya no'ng araw na 'yon. Dahil alam ko, kita ko sa mga mata n'ya sa tuwing tumitingin s'ya sa anak ko na may gusto talaga s'ya”

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon