CHAPTER 20

104 7 0
                                    

Chapter 20

Papunta kami ngayon sa isang resort na binili n'ya no'ng nakaraan. Unti-unti na ‘yong binubuksan sa publiko. Sabi ni Lucifer, nandoon daw sila Mama at si Kuya nag tatrabaho kaya sumama ako papunta roon ngayon.

Ewan ko ba kay Mama, 'di n'ya naman kailangan mag trabaho kasi may kita naman si Kuya tsaka wala naman kaming masyadong pinag kagagastusan kasi silang dalawa lang naman sa bahay at konti lang din ang  bayaran namin sa kuryente at tubig. Siguro dahil naboboring na rin s'ya sa bahay na puro halaman n'ya ang kasama nya.

Nasa backseat kaming dalawa ni Lucifer habang nag mamaneho si Mang Danny. May kausap s'yang mga katrabaho n'ya na 'di ko kilala, habang ako ay binabasa ang nasa isang folder na about sa resort. Haven Resort. Ito 'yong dating Rhiana’s Resort. Hindi ko alam kung paano n'ya ito nabili ng ganon kadali, sobrang yaman n'ya siguro.

Nang makarating kami ay sumunod lang ako sa kan'ya kung saan s'ya papunta. Hindi nya na rin naman ako pinapansin, hindi nya na ako sinusuyo. Maganda na rin siguro ‘to para 'di na ako mafall ng tuluyan. Tsaka mukha rin namang nag kakamabutihan na sila ni Amelia. Infact, palagi silang magkasama. Buti na lang talaga palagi rin akong dinadamayan ni Aron kundi palagi akong magmumukhang third wheel.

“Mux!”, tawag sa kanya ng best friend nya, agad naman syang lumapit at nakipag yakapan.

“Jia!”, tawag sa akin ng pamilyar na boses kaya lumingon ako roon at nakita si Mama.

“’Ma!”. Sinalubong nya ako ng yakap na agad ko namang tinanggap. Siguro kailangan ko lang talaga ng yakap nya para gumaan yung pakiramdam ko. Ipinikit ko ang mata ko at ninamnam ang sandaling yun pero agad akong napamulat nang may pumisil sa pisnge ko.

“Kuya!”. Sya naman ang niyakap ko. Namiss ko sila, ilang linggo na rin naman akong hindi nakaka uwi sa bahay.

“Kamusta ka? Teka, hindi naka dikit sayo si Mux ngayon ah”, sabi ni Mama at tumingin do'n sa dalawa na nag lalandian.

“Ah, may iba na sya eh”, bulong ko sa sarili at napa iling na lang. Nag paalam si Kuya na babalik na sya sa trabaho nya.

“By the way ‘Ma, bakit naman nandito ka. Dapat nasa bahay ka diba? May trabaho maman si Kuya”

“Eh maiinip lang ako doon. Tsaka mabuti na rin ‘to kasi kulang ang mga tauhan dito lalo na at ibubukas na ‘to sa publiko”

“Mapapagod ka lang dito ‘Ma”

“Hindi, okay lang. 'Di naman mabigat ang mga gawain dito. Nasa kusina lang ako. 'Wag ka mag alala”

“Okay. Ah alam ko na, tutulong din pala ako dito mag trabaho para 'di naman ako maboring. Dito rin naman daw mag s-stay si Lucifer eh”

“No, you’re not gonna work here”, sabi ng taong nasa likuran ko. Nilingon ko yo'n at nakita sya na seryosong naka tingin sa akin.

Nakalingkis nanaman sa braso nya yung higad nyang best friend na wala nang ginawa kun’di ang mainsecure sa akin. Palagi na lang akong tinatarayan kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Palibhasa kasi kulang sa atensyon, nakakainis.

“Jianna, Bessy!”. Lumingon ako roon at nakita si Inez. Kasama nya sila Ate Bea, Kuya Zac at Aron. Niyakap nya ako na para bang antagal naming hindi nagkita kahit naman palagi kaming magkasama sa trabaho.

Sumapit ang hapon, nalaman ko na rito rin daw mag s-stay ang buong team nila dahil may project nanaman silang gagawin. May iba rin silang kasama, mga member ng marketing management. Sobra akong naa-out of place lalo na kapag may meeting sila. Kasi sino ba naman ako? Tss.

Tapos na silang mag meeting at nag didinner na lang. Wala akong ganang kumain dahil katabi ko lang si Lucifer at katabi nya sa kabila si Amelia. Rinig na rinig ko ang pag lalandian nila. Kahit na maingay sa tabi ko si Inez at si Aron, hindi mabaling doon ang pansin ko.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon