CHAPTER 1

167 2 0
                                    

Chapter 1

Malalim ang isip na naka upo ako sa bangko ko habang pinag lalaruan ang ballpen sa daliri ko. Hindi ko pinansin si Inez na umupo sa katabi kong upuan. Tahimik lang rin naman sya habang hawak ang cellphone. At wala ako sa mood makipag usap kahit kanino ngayon. Kahapon pa ako nawala sa wisyo dahil sa nangyari. Nag away nanaman si Mama at si Tita Eula kahapon dahil sa gusto ni Mama na mamasukan sa bayan. Sabi nya, babalik daw sya sa pagtrabaho sa pamilya ng mga Drayton. Tapos nagalit si Tita Eula, tapos nag away sila. Nauwi sa sigawan, iyakan. Hanggang sa 'di ko na kinaya at umalis ako ng bahay kagabi. Doon ako natulog kila Lola na nasa kabilang Baranggay pa ang bahay. Nakaka inis lang kasi. Nakaka inis na lagi silang nagaaway tungkol sa Drayton na yan, ni wala nga akong ka alam-alam tungkol dyaan. Tinanong ko naman si Kuya Izaac tungkol doon pero wala rin syang sinabi sa akin.

Nag buntong hininga ako at sumubsob sa armchair ko.

"Uhm.. Bessy..". Tamad kong nilingon si Inez na mukhang malungkot.

"Bakit?"

"I have a bad news for you". Tinaasan ko sya ng kilay dahil alam kong masaklap yun, sa mukha pa lang nya, feeling ko di ko na magugustuhan ang sasabihin nya.

"Ahmm... Wala na daw yung scholarship eh. May nakuha na daw yung may ari eh", mahina nyang sabi pero rinig na rinig ko yun. Sumubsob uli ako saka natawa at lumingon muli sa kanya.

"Hahaha okay lang, ano ka ba. Wag ka ngang gumanyan, mukha kang natatae hahahaha", tawa ko na kinatawa nya rin. Saka sumeryoso uli.

"Iuupdate na lang kita uli kapag may nabalitaan akong scholarship. Hayy, kung hindi lang kami gipit ngayon, pipilitin ko sila Mama na pag aralin ka"

"Uy grabe sya, nakaka hiya naman. Kaya ko naman Bessy. Makakapag aral ako, okay? Think positive"

"Yeah, tama. Marami pa namang opportunities"

But that doesn't lit up my mood. Maghapon akong lutang at wala sa mood. Mukhang kailangan ko na talagang mag hanap ng trabaho ngayon.

Nang pauwi na ako ay nag tingin-tingin ako ng pwedeng pasukan para mag trabaho pero wala. Umaasa ako sa wala, ano ba naman kasing inaasahan ko? Fifteen years old lang ako, eh yung mga nasa legal age nga hirap pang makapasok sa trabaho eh, ano pa kaya akong underage?

Binuksan ko ang phone ko para aliwin ang sarili ko pero habang nag s-scroll ay nabitawan ko yun dahil sa gulat nang may kotseng mabagal pero muntik na akong masagasaan, take note, tumigil pa sa tapat ko yung kotse. Nahulog yung phone ko sa kalsada at nabasag ang screen. Inis ko 'yong dinampot at hinarap ang kotse na... maganda at halatang pang mayaman.

Eh kahit na! Sino ba sya? Ang laki-laki ng daan sasagasaan ako?! Nabasag pa ang phone ko, buti na lang gumagana pa. Pero kahit na, naiinis pa rin ako!

Ngunit akmang magsasalita ako nang bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko ang 'di ko inaasahan.

Goddamm. Bakit ang gwapo nito? Tao ba sya? Totoo ba ito? Nasa Earth pa ba ako? Baka naman talagang nasagasaan ako at nasa heaven na ako? Ang gwapo nya, mukha syang anghel.

"Hey Miss, alam mo ba kung saan naka tira si Ivy Vincente?", seryoso nyang tanong. And damn, ang lalim ng boses nya, pati boses nakaka fall.

"Miss?"

"A-Ahmm... d-doon po. Dyan deretso lang dyan tapos pagdating sa may waiting shed, may daan papasok, yun na yun"

"Thanks", sabi nya saka pina andar ang kotse paalis. Napa kurap ako at napa ngiti. Hehe ang gwapo nya. Maikwento nga kay Inez 'to.

Pero nawala ang ngiti ko nang makita ang phone ko. Parang gusto kong habulin yung kotse na yun at basagin ang salamin dahil sa ginawa nung poging driver. Pinag sisisihan ko nang sinabi kong mukha syang anghel. Hindi sya anghel, fallen angel sya! Bwesit!

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon