CHAPTER 3

165 2 0
                                        

Chapter 3

Maaga akong nagising. Naalarma pa ako nang makitang wala ako sa kwarto ko pero naka hinga ako ng maluwag nang mag sink in sa isip ko na wala na nga pala ako sa bahay namin. Bumangon ako at agad na pumunta sa banyo para maligo. Monday ngayon, kailangan maaga akong pumasok. Pero inabot ako ng ilang minuto bago makapagligo dahil sa pagiging ignorante ko. Aaminin ko, 'di ako marunong gumamit ng shower. Nung pinindot ko yun, sobrang lamig tapos halos pihitin at pindutin ko na lahat ng dapat pindutin dito hanggang sa maging tama ang timpla nun. Ang dami ding mga gamit sa pangligo na wala naman akong nagamit dahil ‘di ako sanay gumamit ng ibang shampoo at sabon. Solve na ako sa Sunsilk at Safeguard. At salamat na lang dahil dala ko ang mga ganon ko. Nang matapos ako ay nag bihis ako ng white t-shirt at pantalon, sinuklay ang buhok saka lumabas ng kwarto dala ang isang notebook at isang ballpen. Wala naman kaming gaanong gagawin ngayon dahil malapit na mag closing, tanging konting quizzes na lang, pagpapapirma ng clearance, pag practice ng gagawin sa moving up at pag kukompleto ng mga requirements ang mga ginagawa namin.

Sobrang laki ng mansyon na ito, at pasalamat na lang ako na natandaan ko yung mga dinaanan namin ni Manang Feliz kagabi nang ihatid nya ako sa kwarto ko. Nang makarating sa ibaba ay agad akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ang mabangong pagkain. Naka salubong ko ang isang katulong at sinabihan akong hinihintay na daw ako sa kusina.

Nahihiya ako sa kanila, hindi naman nila ako dapat pag silbihan. Tsaka diba, sabi nung lalaki magtatrabaho ako para sa kanya, eh bakit parang tinuturing ako dito bilang prinsesa? O baka naman sa una lang yun? Baka mamaya pahirapan na nila ako, yung mala Cinderella.

Nang marating ang dining hall ay nakita ko roon yung lalaki na naka tutok sa laptop nya habang humihigop ng kape. Nandito din si Manang Feliz. Nag lalagay sya ng mga pagkain sa lamesa. Nang mapansin nila ako ay lumingon sila sa akin. Lumapit sa akin si Manang Feliz at sinalat ang noo ko na para bang pinapakiramdaman kung may lagnat ako.

“Mabuti na ba ang pakiramdam mo? ‘Di ka na nahihilo?”, tanong nya na kina ngiti ko. Namiss ko tuloy si Mama.

“Hindi na po. Salamat po sa pag alala”. Inaya nya na akong maupo at kumain. Pero 'di ako makakain ng maayos nang makita yung lalaki na naka titig nanaman sa’kin.

“W-What?”, ilang kong tanong at naibaba ang kutsara. Nag iwas lang sya ng tingin at muling tumutok sa laptop nya. Para syang baliw. Dapat talaga masanay na ako sa presensya nya at maging komportable, kun’di masusuka nanaman ako. Pero ang pag papakalma ko sa sarili ko ay hindi natuloy nang tumayo sya at dumaan sa gilid ko para lumabas ng kusina. Ilang segundo kong nalimutan huminga. Agad akong uminom at huminga ng malalim. Mabilis kong tinapos ang pagkain nang maalala kong papasok pa pala ako. Malayo pa naman ang byahe kaya kailangan kong umaga.

Saktong pagtapos ko ay nakita ko si Manang Feliz kaya tinanong ko sya kung nasaan si Mang Danny at sinabi naman nyang nasa harapan na daw at hinihintay ako. Pero seryoso? Kung doon ako pumapasok sa may amin, tapos dito ako titira ibig sabihin araw-araw akong babyahe ng ganon kalayo?

Lumabas ako ng bahay at nakita ang isang itim na kotse, yung kotse nung lalaki. Pero ‘di ko nakita si Mang Danny. Luminga-linga ako para hanapin sya pero wala. Tumalikod na ako para sana bumalik sa loob nang muntik na akong mauntog sa pader—este sa lalaking ito. Ewan, ayaw ko sa pangalan nyang Muxeous. Nakaka bulol. Ano bang complete name nya?

“Come on, I’ll drive you to your school”, sabi nya at dumeretso sya sa kotse nya. Hindi ako kumilos dahil nagtataka ako. Pwede bang si Mang Danny na lang?

“Hindi ka maihahatid ni Mang Danny dahil may pinapa asikaso ako sa kanya. Come on, male-late ka na”, sabi nya uli at binuksan ang passenger seat ng kotse nya. Tulala akong pumasok roon at napatingin sa kanya nang makalipas ang saglit na ‘di nya pa rin pinapa andar ang kotse nya.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon